Chapter 7
"Ba't ka ba namumutla?" aniya sa kaibigang kakapasok lang sa inuukupa niyang silid sa bahay na iyon. Nakaupo lang siya sa gilid ng kama at hinintay itong nagpaalam kay nanay Cora na iuuwi na siya nito.
"Hay!! Sino ba namang hindi noh?! Nakaharap ko lang naman si Mr.Acosta! My God! Ni hindi ako makalunok sa harap 'nya!" exaggerated pang sabi nito. Pigil din niya ang sariling matawa sa mukha nito.
"Ang Oa mo! At bakit naman?" aniya ditong hindi talaga maintindihan kung anong meron sa lalaking iyon at tila kinatatakotan ito ng kaibigan niya.
"Mare naikwento ko naman na sayo ang tungkol kay Mr.Acosta diba? Totoo man iyon o hindi, hindi ko parin mapigil ang sarili kong panginigan sa harap niya. Isa pa nakakalula talaga ang presensya 'nya. Parang nakaharap ako sa presidente habang kausap 'sya. Nakakanerbyos!" sabi nito sabay paypay ng mga kamay sa mukha.
"Akala ko ba si nanay Cora ang kakausapin mo?" tanong naman niya dito at binalewala ang arte nang kaibigan niya.
"Akala ko nga rin na si nanay Cora lang ang kakausapin ko. Kung alam mo lang na muntik na akong himatayin ng dalhin niya ako sa study room kung nasaan si Mr.Acosta dahil doon daw ako sa amo niya magpaalam. Buti nga napigil ko ang sarili kong tumakbo ng iwan ako ni nay Cora sa loob." hindi na maipinta ang mukhang salaysay nito sa kanya. Tila na i-imagine niya ang kalagayan nito kanina.
"O tapos? Nakausap mo na? Okay na ba? Nakapagpaalam ka na? Uuwi na tayo ngayon?" sunod-sunod niyang tanong dito.
"Uuwi ako pero hindi ka kasama!" sabi nito na ikinanlaki ng mga mata niya.
"Anong??! Ba't mo ako iiwan dito? Eh diba e-uuwi mo na nga ako diba? Baka nakakapurwisyo na ako sa mga tao dito." aniya dito may kaunting pag-aalala.
"Luhh! Halata namang hindi ka nakakapwerwisyo sa mga nakatira dito. Alagang-alaga ka nga. At sa iyon din ang sabi ni Mr.Acosta. Manatili ka raw muna dito hanggang sa gumaling ka." sabi nito sa kanya na tila wala lang ang bagay na iyon.
"Teka-teka! At pumayag ka naman? Diba ikaw pa nga itong atat na atat na e-uwi ako? Anyare mare?" aniya ditong mas lalo pang naguluhan. Pero inaamin niya sa sariling may bahagi ng puso niya ang nagbunyi dahil sa sinabi ni Emmanuel na manatili siya sa bahay na to.
"Eh sa hindi na ako nakahindi. Ikaw ba naman ang kumausap 'dun! Sa kargo konsensya ka raw niya dahil sa loob ng lupain ka niya bumagsak etcetera etcetera!. Kaya magpagaling ka raw muna bago ka lumayas." sabi nitong napaupo na rin sa kamang kinauupuan niya.
Siya man ay hindi maisip kung bakit gusto pa ni Emmanuel na manatili siya roon. Kung tutuosin wala nga dapat itong pakialam at pananagutan sa nangyari sa kanya. Siya pa nga ang nakaperwisyo dito. Hayyy! Kung malalaman lang nito ang kagagahan niya siguradong ipapatapon pa siya nito sa labas ng lupain nito.
"Kung ayaw mo talaga pwede naman natin siyang kausapin ulit. Wala namang makakapigil sayo kung aalis ka dito." kapagkuwan ay narinig niyang sabi ng kaibigan. Malumanay na ang boses nito at tila kumalma na. Hindi tulad kanina na para itong sinilihan sa pwet.
Nakonsensya naman siya ulit ng maisip na pinag-alala niya ito. Siya ang may kasalanan ng lahat kung bakit napupurwesyo ang mga tao sa paligid niya. Kung hindi ba naman kasi siya isanglibot-isang praning hindi mangyayari to.
"Okay lang. Dito nalang muna ako kung iyon ang sabi ni Emmanuel. Makakalibre pa ako ng doctor at gamot." she said trying to make fun out of her situation.
Hindi naman siya nabigo ng tumawa ito.
"Uo nga naman. Saka ang ganda ng mansion na ito. Gugustohin ko rin manatili dito kung ako ang nasa sitwasyon mo. Basta walang Mr.Acosta okay ako." sabi naman nito at ipinalibot ang tingin sa buong silid.
BINABASA MO ANG
"Never Alone Again"
Romance[SPG-R18] This story is written in Tagalog language. Matured content inside not suited for readers below 18. Ilang taon nang tahimik na naninirahan si Emmanuel sa isang lugar kung saan walang nakakakilala sa kanya. Hinihintay na lamang niya ang ara...