Dedicated to jhoanZoe
Chapter 10
Pabagsak niyang inihiga ang katawan ni Emmanuel sa naroong malapad na sofa bed. Sa bigat nito ay nahirapan, hiningal at nakandapatid-patid pa siya sa pag-alalay dito para makarating sa art room.
Buti nalang ay may malay ito ng maglakad sila papasok kaya nabawasan ang paghihirap niya. Kung hindi ay baka hindi niya kinaya ang pagpasan dito.
But he was kissing her hair at humihigpit ang kapit nito sa kanyang bewang na nagbubuhay ng kakaibang kilabot sa kanyang katawan.
Gusto niyang itulak ito sa mga pinagagawa sa kanya pero pinigil niya ang sarili at inisip nalang na lasing lang ito kaya ganoon.
Not that she doesn't like it. Pero ayaw niyang pagsamantalahan siya ng lasing nitong diwa and worst thinking she's another woman. "Meredith" iyon ang tawag nito sa kanya kanina pa.
Sa pagkakaintindi niya ay matagal at basta na lang itong iniwan ng babaeng si Meredith. Pero kung umatungal ito ay parang kahapon lang nangyari ang pang-iiwan dito.
Hindi niya in-expect na makikita ito sa ganoong eksena. Ni hindi pumasok sa isipan niya na may pinagdadaanan itong ganoon.
Siguro ay talagang mahal na mahal nito si Meredith. Kinaiingitan niya ang pagmamahal nito sa babae.
Naaawa siya dito and at the same time ay naiinis sa babaeng nang-iwan dito. Hindi man niya ito lubos na kilala ay alam niyang mabuting tao naman ito at napakayaman pa. Ano pa ba ang ayaw dito ng babae?
Hinihingal na ibinagsak niya ang katawan sa tabi nito. Malapad ang sofa bed pero nakalay-lay parin ang mahahabang binti nito.
Maingat niyang itinulak ang mga binti nito para hindi ito mangalay.
"Hayy!! Ang lakas ng loob uminom hindi naman pala kaya! Hindi ka pa naman nakakarami ah!" sermon niya sa naghihilik na lalaki.
Ni hindi man lang ito tuminag. Taas baba ang adams apple nito tanda ng payapang pagtulog.
He was facing her kaya malaya niyang napagmasdan ang mukha nito.
Napakagwapo nito kahit halatang may edad na ito. Makinis at namumula ang pisngi nito dahil sa pag-inom.
Walang man lang bakas ng curve lines ang mukha nito tanda na hindi ito nagngingi-ngiti.
But he smiled at her. Hindi isang beses kundi ilang beses na rin. Natutuwa ba ito sa kanya kaya ganoon?
Napaisip nalang siya,
Ipinalibot niya ulit ang tingin sa kabuoan ng kwarto.
Sa art room lang niya nadala ito dahil hindi naman niya alam kung nasaan ang kwarto nito sa ikatlong palapag ng bahay. Ayaw niyang mas pahirapan ang sarili kaya doon nalang niya ipinasok ang lalaki.
May malapad na sofa bed at aircondition doon. Sapat na iyon para maging maayos ang pagtulog nito.
Napatingin siya sa mga naguhitang canvass nito. Nagkalat din ang ibang mga gamit pagpipinta na halatang kinatamaran nang ayusin. Isa ba itong sikat na pintor? Iyon ba ang trabaho nito?
Ano pa ba ang hindi niya alam dito?
Ano ba ang buhay mayroon ito?Sa tingin naman niya ay puro magaganda ang gawa nito. Para pa ngang totoo kung titigan. Mahusay ang pagkakalapat ng mga pintura kaya nagmumukhang buhay ang mga gawa nito.
May iilan pang naroon. Ang iba ay mga schetch nito. Sa isang panig naman nang kwarto ay nakalagay ang mga tapos nang painting.
Ang mga gawa ba nito ay ibinebenta sa mga galleria sa kung saan o pinapadala sa mayayamang tao?
BINABASA MO ANG
"Never Alone Again"
Romance[SPG-R18] This story is written in Tagalog language. Matured content inside not suited for readers below 18. Ilang taon nang tahimik na naninirahan si Emmanuel sa isang lugar kung saan walang nakakakilala sa kanya. Hinihintay na lamang niya ang ara...