"Dad gusto ko maging katulad nyo" masayang sambit ni lhizia "tapos ipagmamaliki nyoko sa buong mundo"
"Anak kahit di ka pa nagiging katulad ko,pinagmamalaki na kita" sabi ng kanyang ama habang hinahaplos nito ang buhok ng kaniyang anak
"Really dad?!" Masyang tugon nya sa kanyang ama. Tumango naman ang kanyang ama para sagutin ang kanyang tanong
"Pagdating nang panahon magiging Katulad moko pero mas magaling pa sakin" may ngiti sa labing sambit nang kaniyang ama
Bago pa man magsalita si lhizia,isang malakas na pagsabog ang kanilang narinig upang yanigin silang mag-ama
"Lhizia! anak! Dumapa ka!" Sabi nang kaniyang ama na may halong pagaalala sa kaniyang boses
"Dad anong nangyayari?!" May halong takot sa boses nya nang sabihin nya ito
"Anak mamaya ka na magtanong,pag kabilang ko nang tatlo tatalon tayo ha" tumango nalang si lhizia "isa dalawa tatlo" tumalon sila palabas nang kanilang sasakyan
"Dad!! Ano po bang nangyayari?" May pagtataka at takot ang kaniyang pagtatanong,hinarap sya nang kanyang ama
"Anak lagi mong tatandaan na pinagmamalaki ka ni daddy ha,lagi mong tatandaan na kahit wala na si daddy na tabi mo parin ako" tinuro nang kanyang ama ang kaniyang dibdib "at nasa puso mo ako"
Pag katapos magsalita ng kaniyang ama,may lalaking dumating na may dalang baril
"Neo kailangan na nating umalis sa lugar na ito bago pa nila kayo madakip" sabi nang lalaku sa kanyang ama
"Christof di na ako sasama,alagaan mo ang anak ko" pagkatapos magsalita nang kanyang ama,may kinuha ito sa loob nang sasakyan "alam mo na ang gagawin dito christof"
"Neo hindi kana ba talaga sasama?" Tanong ni christof
"Ako ang pakay nila kaya sasama na ako bago pa may madamay na iba,umalis na kayo bago pa nila kayo maabutan" lumapit ito sa kanyang anak na si lhizia
"Dad! Please sumama kana" pagmamakaawa ni lhizia sa kanyang ama "di ko kaya nang wala ka dad" tumulo ang luha sa kanyang mata
"Hindi pwede anak,pakisabi kay mommy mo mahal sya ni dad ha" may ngiting sambit nang kanyang ama sa kanya
"Tara na lhizia bago pa nila tayo maabutan" hinawakan ni christof ang kamay ni lhizia upang alalayan ito tumayo
Lumuluhang sumama si lhizia kay christof,bago pa man makalayo sa lugar na iyon tumingin ulit sya sa direksyon kung nasaan ang kanyang ama, nakita nyang may mga lalaki na itong kasama
Hindi na nakita ni lhizia ang kanyang ama,gusto nyang bumalik kung nasaan ang kanyang ama ngunit naisip nito ang bilin sa kanya ng kaniyang ama.
Sumakay sila ni christof sa isang sasakyan upang lalo pang lumayo sa lugar na iyon. Nanghihina syang napaupo sa upuan ng sasakyan
"Lhizia kumain ka muna para may lakas ka" sabi ni christof sabay abot nang pagkain
"Salamat kuya christof" sumubo sya nang sandwich dahil narin sa gutom na nararamdaman,natigil ang pagkain nya nang magsalita ulit si christof
"Hey lhizia tawagin mo nalang akong tito para mas comortable ka sabihin" tumango nalang sya at pinagpatuloy ulit ang pagkain nya
______
Tatlong oras na silang na sa byahe gising parin sya pero ang tito christof nya at ang iba pa ay tulog na,tiningnan nya ang kanyang kwintas na may larawan nila
YOU ARE READING
Journey To Chasichiva (The Lost Temple)
PertualanganLhizia Clein Park Delavhante ang pangalan nito. ang kaniyang ama ay isang sikat na manlalakbay. gusto nyang sumunod sa yapak ng kaniyang ama. ang kaniyang susunod na lalakbayin ay ang papunta sa Chasichiva na kung tawagin ay ang lugar ng nawawalang...