Onse

132 5 0
                                    

SNOW

Nang makapag palit ng pantalon si Gray matapos nyang maging anyong tao ulit ay niyaya nya na akong pumunta sa sasakyan. Take note. Pantalon lang, walang pang itaas at walang errrr boxer. Pano ko nalaman? Kasi ako ang pinakuha nya nitong pantalon nya sa likod ng sasakyan. Marami syang spare pants doon para in case of emergency ay makapagbihis din sya kaagad.

Nang papalapit na ako sa sasakyan ay narinig kong may kausap sya sa cellphone. Nang lumingon sya sa akin ay ngumiti sya at nanlaki ang mata ko nang tuluyan syang humarap sa akin.

Tumalikod ako bigla at ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko. Narinig kong tinapos na nya ang tawag at ramdam ko ang presensya nya pabalik sa akin.

"Hey. What's wrong?" pilit nya akong pinapaharap sa kanya.

"Y-yung zipper mo. Itaas mo naman."

Ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko.

''Hahahah you're blushing. So cute. Come here wala na, naitaas ko na."

Humarap ako ng tuluyan sa Alpha na tawa ng tawa. Tumakbo na ako sa sasakyan at nagmadaling sumakay.

"Hey.  Hahaha wag kana magtampo hindi na kita tatawanan. Pfffft. "

Pinaningkitan ko sya ng mata at don palang sya huminto sa pagtawa.

"Wag nang magtampo ang Luna ko. I have a surprise for you."

Madilim na sa daan at nasa byahe parin kami. Pansin kong huminto kami sa isang madilim na burol.

Nauna syang bumaba at inalalayan ako sa pagbaba.

Tanging ang kulay ginto nyang mata lang ang nakikita ko na maliwanag maliban sa maraming bituin.

''Let's go." Nilingon ko sya nang may pagtataka.

"Kumapit ka sa akin."

Kumapit ako ng mahigpit sa mga leeg nya at naramdaman ko ang pagtama ng hangin sa balat ko. Maya maya pa ay narito na kami sa pinakatuktok ng burol. Madilim pero ramdam ko ang sariwang simoy ng hangin. Luminga ako sa paligid at kita ko ang mga ilaw sa di kalayuang mga siyudad na kala mo mga bituin.

"It's beautiful. "nakangiting sabi ko sa kanya.

"Yes. Very beautiful. "sabi nya pero sa akin sya nakatingin.

Maya maya pa ay pumaswit sya gamit ang mga daliri at biglang umilaw ang paligid.

May mga ilaw na nakakabit sa malaking puno at maraming iba't ibang kulay ng ilaw sa paligid nito. Mayroon ding nakalatag na malaking tela at tabi nito ay isang malaking picnic basket na maraming lamang prutas at pagkain.

"Wow. " yan lang ang tanging nasabi ko.

"Shit kulang pa."rinig ko ang malulutong na mura ni Gray.

"Bakit? may problema ba? "nagtatakang tanong ko sa kanya.

Maya maya lang ay may naramdaman akong presensya papalapit sa amin. Agad akong lumingon at ramdam ko ang pag glow ng mga mata ko.

Si Tres lang pala.

"Sorry Alpha nahuli ako."kakamot kamot na sabi ni Tres. At inabot ang isang..

"Wow ang ganda." halos mapatalon na ako sa tuwa dahil sa isang bouquet na nasa harap ko. Inabot ito sa akin ni Gray habang nakangiti.

Isang bouquet na may lamang pulang mga rosas at sa paligid nito ay mga kulay puting carnation.

"Thank you Gray." Tumingkyad ako at hinalikan sya sa pisngi.

"Yown. Nakaisa nanaman ang lover boy. " may pasuntok suntok pa sa hangin tong si Tres.

"Lumayas ka na nga lang dito. Puro kagaguhan nanaman yang sasabihin mo." inis na sabi ni Gray kay Tres.

"Enjoy this night. Please wag masyado pagurin ang Luna." tumatawang sabi ni Tres at humarap sa akin. "Wag kang masyadong magdidikit dyan kay Alpha. Manyakis pa naman yan." yun lang at tumakbo na pababa si Tres sa burol.

"Tsk. Wag kang maniwala don, lika na kumain na tayo. Ayokong magutom ang Luna ko."

Tumatawa lang akong sumunod sa kanya sa carpet.

Nang matapos kaming kumain ay namahinga muna kami. Ginawa naming sapin ang carpet at tabi kaming nahiga habang pinanunuod ang mga bituin sa langit.

Nagkwentuhan rin kami ng tungkol sa mga bagay bagay at nag asaran. Masarap kausap ang Alpha, sa kabila ng nakakatakot nyang aura ay naroon parin ang lambing at hinahon nya pagdating sa pakikipag usap nya sa akin.

"Sa susunod na linggo ay magkakaroon ng pagdiriwang rito sa atin. Gusto kong masaksihan mo ang mga parada ng float ng iba't ibang bulaklak na gawa ng mga kalahi natin. " Nakikinig lang ako sa kanya habang nakaunan ang ulo ko sa mga braso nga.

Mejo lumalamig na kaya naman nagpasya na kaming umuwi.

....

"Good night my Luna. "sabi sa akin ni Gray bago ako pumasok sa pinto ng kwarto.

"Good night" sabi ko sa kanya at nginitian ko sya. Pumasok ba ako sa kwarto at hindi pa ako nakakalimang segundo sa loob ay binuksan ko ulit to at hindi na ako nagulat nang makitang nasa labas parin ng pinto si Gray.

We stared at each other's glowing eyes, I have a feeling that I can't stay away from him even just for a second. I felt the longingness, I always wanted feel his warm embrace and stay in his arms forever.

Kaya naman hindi ko na pinigilan ang sarili ko.

Nilundag ko sya at niyakap ko ang mga paa ko sa bewang nya. Naramdaman kong gumati rin siya ng yakap sa akin ng mas mahigpit.

He carried me inside his room and we kissed each other aggressively.

Nauna syang humiwalay sa akin at inihiga ako sa kama.

"Sleep. Baka hindi na ako makapag pigil." hinihingal na sabi nya. Kaya naman nahiga ako sa tabi nya at niyakap sya ng mahigpit na mahigpit.

We sleep and stay in each others arms for the rest of the night.



The Alpha's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon