Prologue

894 45 48
                                    

(A/N: Hi! This is Duanelie.  It’s my first time to write a story here in wattpad. I’m just inspired by the stories I’ve read. Hope you’ll like it and enjoy reading!)

“Lord, hello po. Ito na naman po ako, asking for my soulmate. Heheheh! Uhm, nagkita na po ba kami,Lord? If yes, kelan pa? Kilala ko na po ba sya? Schoolmate ko po ba?  If no, kailan pa po kami magkikita?" Hingang malalim.

"Basta Lord, gusto ko po ‘yong marunong din sa bahay. Alam niyo naman po ako, walang ibang alam kundi magsaing at maglaba ng ilang piraso. Basta masipag, mabait at mapasensya. Mas okay po sana kung hindi po sya makagraduate ng college para di po sya magtrabaho sa labas. Sa bahay lang po sya. Heheh!" Pagpapatuloy ko.

"Masama po ba pero seryoso po ako. Ayoko ng may degree.. Tsaka, gusto ko po sana, may motor. Hahah! Naiinggit po kasi ako sa mga lovers na may motor eh. Please, Lord. Kailangan ko na po sya makita ngayon. Wala lang. Heheheh! Ayoko na po maghintay. Please. Thank you po. In Jesus’ name, Amen.”

After ko mangulit kay Lord, dumiretso na ako sa bahay ng tita ko. Birthday kasi ng pinsan ko, at andun na family ko. Alangan magpapaiwan pa ako noh.

“Uyy Ate 'Yel. Bakit ngayon ka lang? Hinihintay ka na nina tita at mama sa loob.” Birthday girl, si Meanne.

“Pasensya na. Dumaan pa kasi ako sa simbahan. Happy birthday pala!”

“Thank you po. Tara sa loob.” At pumasok na kami. 

“Hmm, Jayel Adriane Kybral! Akala ko ba 5:15 ka darating eh ano'ng petsa na po?" Si Mama naman oh. Ganda ng pambungad sa'kin.

"Hulaan ko, dumaan ka na naman ng simbahan at pinagpray mo ang soulmate mo noh. Hahah!"  Grabe, pa'no nalaman ni Tita 'to.

"Jusko 'Yan ha. Tigil tigilan mo 'yang soulmate soulmate na 'yan. 16 years old ka pa lang po. Pag aaral mo muna atupagin mo." kontrabida talaga 'tong si Mama. Pero okay lang, mahal ko naman.

"Hayaan mo na Den. Inspiration lang niya 'yan. Hahah!" Supportive na Tita. 

"Siguraduhin mo lang 'Yan na di ka mawawala sa focus kung ayaw mong matanggal sa Fortich Academy. Graduating ka pa naman."

"Syempre naman Ma noh. 'Wag na po kayong magalit, pinagpray ko rin naman po ang family natin eh. Heheh!" Sabay pacute kay Mama.

"Asus! Ohsya, samahan mo muna ‘tong kababata mo’ng si Sundie, pakihatid niyo ‘tong kunting ulam kay Capt..”

“Ahh, sige po. Tara Sundie.” Pangiti ko’ng sabi. Tamang tama, para makapasyal naman ako rito.

“Tara at baka may makita tayong Boylalus!” Si Sundie, bestfriend ko. Nagkakilala lang kami no’ng nagstay ako sa tita ko when I was 8 years old.

.

.

Nagkekwentuhan lang kami habang pabalik na ng bahay nang…

Booogsh!

“Araaaaaay!!!” Pagalit kong sabi. Sino ba kasing nagbato ng bola ng basketball na ‘to?

“Uh oh! Ahm, miss. Sorry. Sorry talaga. Napalakas lang kasi ang pagpasa ko sa bola at hindi nasalo ng kateam ko. Sorry talaga miss. Nasaktan ka ba?” Sabi no’ng isang lalaking pawisan man, pero parang fresh pa rin tingnan. Mas nakadagdag pa nga yon sa appeal niya eh. Ang ganda ng mata niya, tangos ng ilong, artistahin at pangmodel ang looks at dating niya. Teka, he looks familiar. Hindi ko lang matandaan kung sa’n ko sya nakita. Ahy, ano ba ‘tong iniisip ko. Galit ako.

“Hindi!!! Hindi ako nasaktan.” Pasarcastic ko’ng sabi. “At lalong hindi ako nagpunta rito para matamaan ng bola kundi para mamasyal at samahan si…” o_____o yan ang mukha ni Sundie na nakatitig kay Reckless Ogress.

“Sundie! Hoy!.” Sabay kalabit ko sa kanya. Natauhan din “tsk. Tara na!!!”

“Heheh! Okay lang Dwayne . Pasensya ka na kay Jayel ha? OA lang talaga ‘tong kaibigan ko.” Pacute niyang sabi.

“Hoi anong OA. Ikaw kaya matamaan ng bola ng basketball. Di ka magrereact ng ganun? Baka mas malala pa kamo!” Depensa ko.

“Sige Ms. Sundie? right? Pakihingi na lang ako ng pasensya jan sa kasama mo ha? It’s really my fault.” Sabay alis

“Psh. Tara na nga! Bad trip!” Ako. At ang katabi ko? Ito, kilig na kilig.

“AAAHHHH! Si Dwayne, kinausap ako. Air! Air! I need air!”

“Yan ang OA!” Ang OA kasi. May pa i need air, i need air pa ‘tong nalalaman.

“Wag ka nga. ‘yaan mo na lang ako. Kaw ba naman kausapin ng MVP at sobrang gwapo’ng si Dwayne. AAAAAAAHHHHHH!!!” Ayan, nabaliw na. Ako naman, nabingi na. Buti na lang dumating na kami. Iniwan ko na siyang lutang pa rin. Kumain na lang kami at nagkwentuhan ng mga pinsan ko. Gabi na ng makauwi kami.

 

Dwayne’s POV

“Wuw, ‘yon ang laro. Ang higpit ng laban!” Jayden . Ang pinakamakulit sa’min.

“Hahah. Sige mga Pardz, next time ulit.” Si Timothy, kaibigan ko’ng medyo playboy pero tahimik.

“Ouh bah. That was a good game.”

"Syempre, Dwayne Cale Vyzantine 'yan eh."

"Ahahah! Sige at susunduin ko pa si Yuji San." Sabay taas ko ng kamay as saying bye. Uwian na rin kasi ng bunsong babae namin kaya kailangan ko nang umuwi. Ang dalawa ko kasing bro ay abala sa voice lessons daw nila.

Hay! Kakaguilty naman ‘tong araw na ‘to. Minsan na nga lang ako maglaro ng basketball dito, may natamaan pa ako’ng Peevish Tigress. But ang ganda niya ahh. Sakto lang height niya. Brownish ‘yong mata niya, half spanish yata. Tangos ng ilong. Innocent lips. Wala syang make up pero mamula mula pisngi niya. Pero parang familiar siya sa’kin. Nagkita na nga ba kami? Ewan.

(A/N: Prologue done!!! Yohoh!!! Parang end of the story lang sa saya! Hahahah! ‘Yaan niyo na. First time eh.)

Siya ang Soulmate KO?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon