{A/N: Hi Watty pipz! Sorry for the super duper late update. Sobrang busy ko kasi and di gumana utak ko'ng magsulat. Di rin kasi ako born as writer, trying hard lang. Heheh! So heto na. Hope you'll like it. Vote and comment please.}
Jayel's POV
Ilang linggo na ang lumipas pero wala na talaga akong nareceive na text from Kent. Bahala siya. 'Pag ako nakahanap ng bago, who you siya sa'kin.
"Yan, paabot naman ng walis oh. Kunin mo na rin 'yong tubig do'n sa motor at nang mabilis tayong matapos dito." Mama ko. Andito kami sa cemetery. Naglilinis ng mga puntod ng relatives naming sumakabilang buhay na. October 30 na so All Soul's Day is fast approaching.
"Heto na po 'Ma. Ako na po rito sa may harap." Boluntaryo ko.
"Tss. Dapat lang! Tingin kasi ng tingin sa cellphone, wala namang nagtetext."
"Uy uy uy! Tumigil na kayong dalawa jan. Akin na 'yang cellphone 'Yan at nang manahimik na 'tong si Rei." At inabot ko na kay Papa ang phone. Sa buong pamilya naman 'yon so di ako pwede pumalag.
"Hihihi!" Dinig kong hagikhik ni Kei na ngayon ay nakaupo sa driver's seat. Nang tumingin ako sa kanya ay binelatan pa ako. Kami pala ang pinagtatawanan ng loko. Inirapan ko nga. Mas humagikhik pa. Hmp!
"Yan, sige na. Nakikita ko kayo. Kei, tumigil ka na." Awat sa'min ni Mama. Ang sakit na siguro ng ulo ng parents namin sami'ng magkakapatid. Halos di na kami magkasundo eh.
Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko at nang di na ako mabadtrip pa sa dalawa ko'ng makukulit at matatapang din na kapatid. Bakit kaya sila gano'n noh? Hay!
Nang malapit ng magdilim ay nagdecide na kaming umuwi. Kukunin pa kasi ng Mama ko ang isang box na kandila sa may malapit lang din sa sementeryo.
"Uyy!" Sa gulat kong makita siya rito ay agad akong napasigaw sa kanya. Napalingon naman siya at ang mga kasama niya. Pahiyang kunti.
"Jayel! Uy! Ano'ng ginagawa mo rito?" Tanong niya ng makarecover din siya sa gulat.
"Naglinis lang kami. Alam mo na. Eh ikaw." Feeling close eh noh.
"Eto! Nilibing kasi ang isa naming relative kaya andito kami pero pauwi na naman kami."
"Gano'n? Our condolences." Sincere ko'ng sabi sabay pacute este smile.
"Thanks!" At nagsmile din siya pabalik. Bakit parang gumagwapo ang mokong. Siguro dahil di lang siya nakauniform? Oo, tama! Dahil do'n lang.
"Dwayne! Tara na!" Tawag niya do'n sa tingin ko'y kapatid niya. Medyo kahawig eh.
"Tinatawag ka na ng Kuya mo oh. Sige na! Bye, ingatz!" Bahagya pa siyang natawa sa sinabi ko.
"Bye din! Ingat kayo. See you in school." Nagwave pa siya ng kamay niya. Kita ko'ng di pa rin mawala ang tawa niya pagkalapit niya sa mga kasama niya. May sinabi siya tapos nagtawanan sila sabay tingin sa'kin. Shemz! Bakit kaya? Ano'ng nagawa o nasabi ko? Lagot sa'kin ang Dwayne na 'yan. Inirapan ko siya ng tumingin ulit siya sa gawi ko. Siya naman, tuwang tuwa. Nabatukan tuloy siya ng Kuya niya. Buti nga!
"Huy! Uwi na raw tayo. Iiwan ka na namin, sige ka." Ayos talaga 'tong kausap si Kei eh.
"Oo na po!" At tinabig ko siya sabay takbo papunta sa motorsiklo namin.
"Mama oh, si Ate!" Sumbungero.
"Sakay na!" Pagbabalewala ni Mama sa kaartehan ng kapatid ko kaya padabog na lang siyang sumakay.
BINABASA MO ANG
Siya ang Soulmate KO?!
DragosteSi Jayel Adriane ay isang simpleng babae na ang laging hinihiling ay ang makita na ang kanyang matagal ng pinagdadasal na Soulmate. Sa hilig ba naman niyang manood ng teleserye, sino’ng hindi maiimpluwensyahan ang buhay-pag ibig. Si Dwayne Cale nam...