Jayel’s POV
Today is our general practice. We need to present our dance to our Filipino teacher para naman macorrect niya kung meron mang hindi kaaya aya sa mata ng mga manonood. Pero may part na hindi pa namin nalalagyan ng steps dahil sabi ni Jecca ay si Ma’am na ang magbibigay ng perfect pair for the special number that she’s saying. Whatever it is, alam ko namang maganda ‘yon. ‘Wag lang nila akong pagdiskitahan. I already give my best in our dance. Ako nga ang nagchoreo di ba kahit di naman ako professional. Last year na rin naman namin dito so no probz.
Nandito na kami ngayon sa Activity Center since dito lang naman kami pwede sumayaw na hindi nakikita ng marami at tsaka kailangan din kasi ng malaking space.
“Let’s start!” masayang sambit ni Ma’am.
Binigay ko talaga ang best ko para di siya madisappoint at nang wala siyang gaanong masabi.
“Great dance students. Sino ang bumuo ng sayaw at ang galing ng sequence? Pati steps ay impressive.” Wuw! Nakakataba naman ng puso ‘yon. Galing talaga kay Ma’am.
“Si Jayel po.” Sabi ni James, ‘yong isa sa mga dancers. Nagsmile na lang din ako kay Ma’am, ano ba’ng pwede kong sabihin?
“Good job Jayel! Magaling!” at kinongratz pa ako. Ehh?
“Thanks po Ma’am! Pero tumulong din naman po sila at kung hindi po nila ito inexecute ng maayos, wala rin po ang ginawa ko.” Nahihiya kong tugon kay Ma’am.
“What a humble response.” Nginitian pa niya ako. Nakakaflatter naman, isa kaya siya sa terror teachers namin. Dati nga lagi siyang naiinis sa’kin kasi napakapilosopa ko. Ang sarap kasi niya inisin, parang puputok na sa galit. Hahahah!
“Heheh! Umf, may mga flaws po ba kayong napuna Ma’am? Imposible po kasi ‘pag wala. Heheh!” At do’n nagbago ang expression ng mukha niya. Aaahhy, bakit?
“Hmm yes, meron. But it may not be a major one but it can affect your set-up.” Mabuti naman.
“Ano po ‘yon Ma’am?” tanong ni Jecca.
“First, some of you danced listlessly, so please increase your energy level. Sorry but I need to be honest, the two pairs at the back are the ones I’m referring to. Anyways, you dance well naman, just improve your liveliness okay?”
“Yes po, Ma’am!” sabay namang sagot ng dalawang pairs na tinutukoy ni Ma’am.
“Good! Next, may mga namismatch tayong pairs dito kaya kahit jolly ang pagkakasayaw, wala rin ‘yong enthusiastic dance na goal niyo ring ipakita.”
“Po?!” nagtataka ko’ng tanong. May gano’n ba? Sayaw lang naman ‘to ahh. May mismatch mismatch pa.
“I mean the three of you seems to have picked the wrong partner.”
“Huh? Hindi po Ma’am. Comfortable nga po kami sa isa’t isa eh, di ba guys?” at nilingon ko sila isa isa to ask for support pero wala, hilaw na ngiti ang natanggap ko. Oh c’mon.
“See! Their smiles are the evidence.” Napalo ko na lang ang noo ko sa disappointment. Hindi ko man lang napansin ‘yon.
“Tsk. Okay po, I almost get it pero sino naman po ang must-be-partner namin?” Ayoko sana kay Jayden kasi sobrang kulit niya pero ayoko rin naman kay Dwayne dahil kung dati eh naiinis ako, ngayon, hindi ko alam kung bakit pero naiilang na ako. What’s happening to me?
“I’ll be straight to the point, Jecca fits with Timothy…” nagkatinginan lang ang dalawa pero binawi rin agad at bakas sa kanila ang pagngiting palihim. Hmm, I smell something fishy. “…and Sundie is for Jayden naman.” At nag apir pa ang dalawa. Magkamatch nga ang dalawang ‘to. Ang makukulit sa barkada. Hahahahalah!!! Halah talaga!!!
BINABASA MO ANG
Siya ang Soulmate KO?!
RomanceSi Jayel Adriane ay isang simpleng babae na ang laging hinihiling ay ang makita na ang kanyang matagal ng pinagdadasal na Soulmate. Sa hilig ba naman niyang manood ng teleserye, sino’ng hindi maiimpluwensyahan ang buhay-pag ibig. Si Dwayne Cale nam...