September 13, 1997
Vanessa's POV
Nandito ako ngayon sa loob ng aking sasakyan. Ipinarada ko ito sa gilid ng isang makipot na eskinita. Tinignan ko ang aking relos na nasa aking kanang pulso. "Alas tres na pala ng madaling araw." Bigla nalang akong napasinghap. Ibinaba ko ang bintana ng aking sasakyan. Inilakbay ko ang aking paningin sa buong paligid. Napakadilim. Tanging ang lumang poste lamang mula sa isang maliit na tindahan ang nagbibigay liwanag sa buong kabahayan. Napakatahimik. Wala akong naririnig ni isang yapak ng paa na naglalakad sa daan. Napakalamig. Nanunuot sa aking mga buto ang malamig na hangin na dumadampi sa magaspang kong balat.
Bago sa aking mga paningin ang ganitong klaseng tanawin lalo na't ngayon lang ako napadpad sa ganitong klaseng lugar. Nakaramdam ako ng kakaiba ngunit isinawalang bahala ko nalang ito dahil baka naninibago lang ako sa lugar.
Napaigting ako nang biglang tumunog ang aking selpon. Naputol tuloy ang aking iniisip. Agad ko naman itong hinanap sa loob ng aking itim na bag. Hindi mapigilan ng aking kamay na manginig habang kinukuha ito. Sasagutin ko na sana ngunit biglang pinutol ng kabilang linya ang tawag. Nagsimula na akong kabahan at pagpawisan. Kanina pa ako hindi mapakali. Bigla namang nag-vibrate ang selpon ko. May mensahe akong natanggap. Agad ko naman itong binasa. "Sumama ka na!" Bigla akong nanigas. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Naguguluhan na talaga ako. Napakaraming tanong ang bumabagabag sa isipan ko ngayon. "Paano ko siya matatakasan?" Isang tanong na kailanman ay hindi ko mahanapan ng wastong kasagutan.
Tumingin ako sa side mirror. Pinagmamasdan ko ang aking sarili sa salamin habang pumapatak ang aking mga luha at dahan-dahan itong umaagos sa namumula kong pisngi. Kumuha ako ng panyo at ipinunas ko ito sa aking mga mata. Sumisikip na talaga ang dib-dib ko. Napakabigat ng nararamdaman ko ngayon. Napabuntong hininga nalang ako.
Lumabas ako sa kotse para mag-yosi. Huminga ako ng malalim. Kahit anong gawin ko ay hindi ko parin magawang kumalma.
Kinuha ko ang selpon ko na ngayon ay nasa bulsa na ng aking itim na jacket. Inihagis ko ito sa isang malapad na pader na punong-puno ng mga bandal na kagagawan ng mga miyembro ng isang gang malapit dito sa lugar. Pinulot ko ang aking selpon mula sa sahig. Basag na ito. Kahit papaano ay pwede na akong makampante. Sisiguraduhin ko na wala ng iba pang makaka-alam sa madilim kong sekreto.
Napagdesisyunan kong bumalik na sa kotse. Papasok na sana ako sa aking sasakyan nang may bigla akong narinig na tahol ng mga aso na nakakuha ng aking atensyon. Hinanap ko kung saan nagmula ang ingay. Nilingon ko ang isang abandunadong bodega na nasa kabilang kanto at doon ay may nakita akong tatlong maiitim na aso. Mukha silang hindi mapakali at para bang may bumabanta sa mga buhay nila. Tinatahulan nila ang isang puno ng akasya at doon ay may naaninag akong isang aninong nakatayo sa likod nito.
Tumindig ang balahibo ko. Naramdaman kong nandito lang siya sa paligid. Maaaring kanina niya pa minaman-manan at pinagmamasdan mula sa malayo. Dali-dali na akong pumasok sa loob ng aking sasakyan at saka humaharurot sa pagpapatakbo.
BINABASA MO ANG
CODE XIII
Mystery / ThrillerLahat tayo ay may tinatago pero paano kung may naka alam sa pinaka-iniingatan mong lihim at ang tanging paraan lamang para tuluyan itong mabaon sa hukay ay ang sumama ka sa kanya. Ang tanong, sasama ka ba?