Chapter 1 ( Mysterious Caller)

54 3 0
                                    

Amanda's POV

Gumising ako ng maaga ngayon. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil binangungot na naman ako kagabi. Napansin kong ilang gabi na akong binabangungot ng masama.

Bigla kong naalala na ngayon na pala ang selebrasyon ng ikalabing-walong kaarawan ng bunso kong anak na si Vanessa. Ngayon na sana ang takdang araw para malaman niya ang katotohanan na may kinalaman sa aking nakaraan ngunit parang may pumipigil sa akin na sabihin ito. Nagdadalawang-isip na talaga ako.

Bumangon ako sa aking kama. Dumiretso ako sa banyo para maligo at mag-ayos ng aking sarili. May importante akong pupuntahan ngayon.

Pagdaan ng ilang minuto ay lumabas na ako sa banyo. Mabilis lang akong natapos. Tinignan ko ang aking repleksyon sa salamin. Suot ko ngayon ang paborito kong blusa na regalo sa akin ni Vanessa. Kulay asul ito at may kumikintab na desinyo sa gitna na isang puting bulaklak ng orchid. Bitbit ko naman ang aking mamahaling bag at suot ko rin ang kaswal kong sapatos. Binuksan ko ang kahon ng aking mga alahas. Sinuot ko ang aking hikaw at saka na ako lumabas ng kwarto.

Bago ako bumaba ng hagdan ay dumaan muna ako sa kwarto ni Vanessa. Kinatok ko ang kanyang pinto. "Esay?" Hindi siya sumasagot. Nagtaka ako kaya mas nilakasan ko pa ang aking boses at maging ang pagkatok ko ng pinto para mas marinig niya ako. "Esay, buksan mo ang pinto!" Ma-awtoridad kong sabi. Hindi niya parin ako pinagbubuksan. Naisip ko na baka mahimbing na naman ang tulog niya. Binuksan ko nalang ng kusa ang kanyang pinto.

Lumaki ang mata ko nang tumambad sa aking harapan ang bakante niyang kama. Wala si Vanessa sa kwarto niya at maging ang kanyang bag ay wala na rin kaya mas lalo akong nagtaka. "Nasaan siya?" Hinalungkat ko ang mga gamit niya at pati narin ang kanyang mesa dahil baka may ibinilin siyang sulat ngunit wala akong mahanap.

Biglang tumunog ang telepono na nakapatong sa side table ng kama niya. Tumungo ako sa kinaroroonan ng telepono at saka ko sinagot ang tawag. "Hello?!" Walang sumagot. "Sino 'to?"
Wala paring umiimik sa kabilang linya. Nagsimula na akong kabahan. "Sino 'to? Sumagot ka!" Nangingig na ang boses ko. "Hawak ko na siya" Lumuwa ang mata ko nang marinig ko itong nagsalita.

Umigting ang tenga ko sa aking narinig. Gusto kong tumawa. Gusto kong umiyak. Ito na ang pinakahinihintay kong linya na marinig mula mismo sa kanyang bibig . Umuwang ang magkabilang sulok ng aking labi. Gusto ko pa sanang marinig ang boses niya ngunit ibinaba niya na ito.

Lumabas ako sa kwarto para gisingin ang panganay kong anak na si Maddie.

CODE XIIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon