Chapter 5
Antonio's POVMagtatanghali na ngunit hindi parin dumating ang pamangkin kong si Tristan. Napagkasunduan namin nung isang araw na pupunta kami ngayon sa sugalan. Kanina pa naiinip ang mga kalaro namin sa mahjong.
Hindi na ako makapaghihintay pa ng mas matagal dahil may importanteng transaksyon akong aasikasuhin mamayang hapon sa pier kaya ipinatawag ko nalang siya kay Greg, ang kanang kamay ko.
"Boss, hindi raw po kayo masasamahan ni Tristan ngayon dahil masama raw ang pakiramdam niya" Umiling ako. Nagsisinungaling nanaman si Tristan. Siguradong may hang-over pa siya mula kagabi. Bigla kong naalala ang mga bata.
"Dad!" Tinawag ako ni Vanessa. Nilingon ko siya. "Dad, aalis po ako mamayang hating gabi. Kasama ko po si Maddie at ang mga barkada niya." Pagpapalam niya sa akin. Ayaw ko sana siyang payagan ngunit pabuka pa lang ako ng aking bibig ay bigla na siyang hinablot sa akin ni Maddie at pilit na ipinasok sa sasakyan. Muling lumingon si Vanessa sa akin at sumigaw. "Dad! I love you!" At saka siya tuloyang pumasok sa sasakyan.
Nilapitan ko si Tristan at kinausap. "Sundan mo sila." Sinunod naman ni Tristan ang utos ko. Agad siyang sumakay sa kanyang sasakyan at nagpaharurot ng takbo.
"Boss?" Bumalik ako sa aking wisyo nang tinawag ako ni Greg. "Mukhang malalim yang iniisip mo ah" Nilingon ko siya. "Oh, bakit?" Walang ganang tanong ko sa kanya. "Nandito si Amanda." Nagsalubong ang kilay ko. Nagtaka ako kung bakit bigla siyang pumunta dito dahil wala naman kaming mahalagang pag-uusapan ngayon tungkol sa negosyo. "Sige, labas mo na ako." Lumabas ako para kausapin siya.
"Bakit ka nandito?" Tinanong ko agad siya. "Anton, nawawala si Vanessa!!!" Basag at nanginginig ang kanyang boses. "Ano?" Nabigla ako sa sinabi niya. "Baka naman may pinuntahan lang." Pilit kong pinapagaan ang sitwasyon. "Tinawagan ko na ang mga kakilala niya pero wala talaga silang alam kung nasaan siya." Bumuntong hininga ako. Naisip ko na baka nagrerebelde na naman ang batang iyon.
Sinamahan ko si Amanda na bumalik sa bahay. Nadatnan ko sila Maddie at Tristan na nag-uusap sa kusina. Wala sana akong planong makinig ngunit...
"Nawawala raw si Vanessa. Anong gagawin natin?" Halata sa boses ni Tristan na natataranta siya. "Basta! Manahimik nalang tayo!" Masungit na sagot ni Maddie. "Eh paano kung---" Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin dahil agad siyang pinatahimik ni Maddie at tinakpan ang kanyang bibig. "Shhhhhh!!! Ano ba?!! Baka may makarinig sa'yo!" Hindi na nagsalita ulit si Tristan at nanahimik nalang.
Lumingon silang dalawa sa kinatatayuan ko. "Dad? Kanina pa ba kayo diyan?" Nagulat si Maddie nang makita niya ako. Hindi ko siya sinagot.
Bigla namang dumating si Amanda at lumapit siya sa amin. Walang nagsasalita sa amin kaya binasag ko na ang katahimikan. "Nasaan ba talaga si Vanessa?" Tinanong ko ang dalawang magpipinsan. Nagtinginan lang ito at sabay na nagsalita. "Hindi namin alam!" Mukha silang nagsisinungaling. Halatang-halata sa mga mata nila.
"Paano kung may masamang nangyari sa kanya. Tumawag nalang kaya tayo ng pulis." Suwesyon ni Amanda. "Teka lang, Amanda! Hindi tayo pwedeng padalos-dalos nalang. Ipahanap muna natin siya kay Greg." Hindi ako sumang-ayon sa kanya. "Anong gusto mong gawin natin? Tumunga-nga nalang?" Tumaas na ang kanyang boses. "Alam mo naman na hindi tayo pwedeng magkaroon ng koneksyon sa mga pulis dahil baka malaman nila ang mga ilegal na gawain ng pamilya natin." Hindi ko na mapigilan na magalit.
Inaalala ko lang ang pwedeng mangyari kung hihingi kami ng tulong sa mga pulis. Alam kong mas nangingibabaw sa kanya ngayon ang kapakanan ni Vanessa pero hindi kami maaaring makipagtulongan sa kanila dahil baka matuklasan nila ang lihim ng pamilya namin na siguradong ikakapahamak naming lahat.
BINABASA MO ANG
CODE XIII
Mystery / ThrillerLahat tayo ay may tinatago pero paano kung may naka alam sa pinaka-iniingatan mong lihim at ang tanging paraan lamang para tuluyan itong mabaon sa hukay ay ang sumama ka sa kanya. Ang tanong, sasama ka ba?