The Truth

60 3 0
                                    


 "Huwag kang i-ibig sa pamamagitan ng Facebook, ah?"   

 Nakahiga ako habang hawak ang cellphone ko nang maalala ko yung sinabi ng kaibigan ko sa akin. Napag-aralan kasi namin kanina ang tungkol sa social media, kung gaano na kalawak ang nararating nito at kung ano ang pwede mong ma-encounter dito. Sinabi ng teacher namin na hindi masama makipag-kaibigan sa social media pero dapat hanggang sa maaari ay i-private ang dapat i-private. Huwag basta sasama kapag niyaya na makipagkita dahil pwede raw namin 'yon ikapahamak, iba ang mga tao na pwede namin makilala sa social media. Huwag magmahal na sa social media lang nakilala, feeling ko tuloy may problema si ma'am.  

 Pero possible ba talaga na magmahal ka ng taong nakilala lang sa social media?  

Nagulat ako ng biglang mag-pop yung messenger ko, may stranger na nag-chat sa akin. Actually, hindi ako mahilig mag-reply sa ganito, pero dahil bored ako ay nireplayan ko na rin. Gusto ko rin subukan ang makipag-kaibigan sa social media, malay niyo naman may good things din ang dulot nito.  

 "Hello." Reply ko sa kanya at binaba ang cellphone ko pero hindi ko namalayan na nakatulog na ako.Kinabukasan pag-gising ko ay tumunog ulit ang phone ko, mabuti na lang at hindi pa lobat 'to.   

 Kinuha ko ang cellphone ko kahit wala pang mumog at hilamos. Binasa ko yung message from stranger.  

 "Goodmorning." Yun lang ang message niya, wala rin siyang message mula kagabi kaya hinayaan ko na lang. Aalis na sana ako para mag-punta sa banyo ng tumunog muli ito.  

 "Sorry kagabi, nakatulog kasi ako." Aba! Anong problema nito at biglang naging makulit? He's a stranger. Hindi ko na lang 'yon inisip pa masyado at binasa ang message niya, well, sa akin naman ay wala lang 'yon pero nireplayan ko siya.   

"Okay lang." Sagot ko at pinatay na ang data saka dumaretso sa banyo.  

Naghihikab ako habang naglalakad sa corridor ng school.   

Hays, inaantok pa ako.   

Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang Facebook ko at nakita ko na may dalawang message roon, isa sa kaibigan ko at kay Angelo--yung stranger na nakakausap ko.    

"Hi. Breakfast ka muna bago pumasok." Message niya. Hindi ko na sana rereplayan pero para na rin mawala ang antok ko ay nag-reply na rin ako.   

"Tapos na, sa school na ako." Sagot ko at naupo sa isang bench. Maaga pa naman kaya dito na lang muna ako.   

Lumipas ang mga araw na palagi kaming magka-usap ni Angelo. Hindi ko alam pero habang tumatagal ay sumasaya ako kapag nakakausap siya.   

Tumagal ng isang buwan ang pag-uusap namin na ganun pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hinahanap ko na ang message niya sa akin, nahuhulog na pala ako.    

Iniwasan ko, naalala ko kasi yung sinabi ni ma'am. syempre natatakot akong masaktan, pero wala rin nangyari sa pag-iwas ko dahil, palagi siyang may goodmorning at goodnight sa akin, walang palya 'yon. Nag-so-sorry din siya dahil hindi raw ako nagrereply. Dahil marupok ako, bumigay ako pati ang puso ko at tuluyan ng nahulog sa kanya.  

Pero hindi ko inaasahan na aamin siya sa akin at pareho kami ng nararamdaman dahil gusto niya rin ako kaya sobrang kilig naman ako.   

"Pwede ba tayong magkita?" After one month na pag-cha-chat namin ay ngayon lang niya sinabi na magkita kami. Pinag-isipan kong mabuti kung papayag ba ako o hindi pero sa huli ay um-oo na lang ako, wala namang masama roon 'di ba?    

Sumapit ang sabado at araw na nang pagkikita namin kaya hindi na ako makapag-hintay pa. Sa tapat ng plaza kami nag-pasyang magkita kung saan sa tapat non ay isang abandunadong bahay.    


"Pumasok ka sa loob ng abandoned house na nasa tapat ng plaza." Message niya. Abot-abot ang kaba ng dibdib ko habang papasok sa loob, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.    

Pagpasok ko sa loob ay huminto rin ako sa bukana. Umuwi lang kaya ako? Natatakot na ako.   

Tumalikod ako at nag-pasyang aalis na sana pero may nagsalita sa likod ko.   

"Saan ka pupunta?" Kinilabutan ako ng marinig ko ang boses na iyon, pakiramdam ko nakangisi siya. Hindi ako sumagot at akmang lalabas na ng hinila niya ako at isinandal sa pader.

Nanlaki ang mga mata ko ng hindi siya yung lalaking nasa Facebook niya, iba ang mukha nito at mukha niya sa Facebook. Pangit at mukhang adik ang isang ito.    

Nakaramdam ako ng takot ng tingnan niya ako mula ulo hanggang paa habang naka-kagat sa labi. Oh my god!    

"Ang ganda mo, siguro masarap ka rin." Saad niya at ngumisi pa. Lumandas ang luha ko sa aking pisngi dahil sa takot.    

Ang tanga ko! Bakit ba kasi hindi ako nakinig sa teacher ko na may masamang dulot ang social media.    

"Hindi pa tayo nagsisimula umiiyak ka na agad." Saad niya at dahan dahan akong hinalikan sa leeg kaya nanginig ako. Iyak ako ng iyak habang diring-diri sa halik niya ng bigla kong maalala yung napanood ko. Agad kong tinuhod yung harap niya kaya nabitawan niya ako at hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at kumaripas na ng takbo palabas.    

Iyak ako ng iyak habang yakap ko ang sarili ko.   


"Siguro naman madadala ka na?" Sermon ng kaibigan ko. Napabuntong-hininga na lang ako sa sinabi niya, sobrang sisi ako noon. Paano kung hindi ako nakatakas? Baka nasa balita na ako 'isang dalagita, patay matapos gahasain' Geez! Kinilabutan ako sa naisip ko. Ilang Buwan na rin ang lumipas nang mangyari 'yon at isa lang ang natutunan ko. Walang magandang dulot ang pakikipag-usap sa mga estranghero sa social media, hindi dapat agad nagtitiwala sa mga taong hindi mo gano'n kakilala and that's the truth. That's the truth behind the side effect of social media, kung hindi tayo mag-i-ingat sa mga kilos natin pwede tayong mamatay sa sarili nating padalos-dalos na desisyon. Kaya matutong mag-ingat sa desisyon.  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Truth #makeITsafePH #WritingContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon