#12: Zoey

14.7K 565 26
                                    

Nakakapanibago, mula ng umagang sumabay sa akin si Clyde papasok sa school ay hindi ko na muli itong nakita. Magdadalawang araw na. Akala ko ba lagi na siyang nakapaligid sa akin pero bakit dalawang araw ng hindi ko siya nakikita. Mabuti nga iyon para walang nangungulit sa akin.

Pero bakit parang may kulang na. Mas maganda pa yatang hindi ko na lang siya pinakinggan sa paliwanag niya para kinukulit parin niya ako. Hindi gaya ngayon. Sasabihin pang gusto ako. Iyon naman pala, hindi na siya magpapakita sa akin. Ano yon. Nasaan iyong kasabihan na a

Damn! Bakit ba ako nakakaramdam ng ganito ngayon. Hindi ko naman siya namimiss sa lagay na iyon diba.

Never mind. Ang mahalaga ngayon ay ang araw na ito para matapos na ang pag aalala ko sa taong humarang sa amin ng araw na iyon.

At ang araw na ito ay ang araw na sinabi ng lalaking humarang sa amin ni Clyde noong nakaraan. Kaya heto nakatayo ako sa gitna ng gym at lumilinga sa paligid. Walang tao. Inindyan ba ako ng mga iyon. Pero kung akala nila ay uurong ako ay nagkakamali sila.

Malakas din ang loob nila na harangan ako kahit kasama ko si Clyde ng araw na iyon. Kaya nasisigurado akong hindi din sila ordinaryong tao. Because no one dare to mess around kapag nasa paligid lang siya.

Naghintay pa ako ng ilang minuto. Total naman wala na akong klase sa mga oras na ito. Mamayang tanghali pa ang huling subject ko. Pero kung hindi pa sila darating, aalis na ako. At hindi ko sasayangin ang oras sa kanila.

"Kanina ka pa ba naghihintay?" Tanong ng lalaki ng bumungad ito sa pintuan ng gym papasok. Nasa likuran nito ang dating mga kasama at nadagdagan pa ng dalawa. Isa pang babae at isang lalaki. Ngayon anim na sila. Lumapit sila sa akin hanggang sa tatlong metro na lang ang layo nila.

Unang lumapit sa akin ang babaeng bagong dating. Maganda ito, balingkinitan ang katawan. Maaliwalas ang mukha nito. Hindi gaya ng unang babae na seryusong seryuso. Ngumiti ito sa akin.

"Your beautifull. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit inlove sayo si Master."sabi nito. "I'm Kelly."pag papakilala nito. Inilahad pa nito ang kamay. Tinignan ko lang iyon at hindi iyon tinanggap. Anong palabas naman ngayon ang ibig nitong sabihin sa friendly look niya. Hindi ba niya alam kung bakit kami ngayon nandito.

Master? Sino ang tinutukoy niya. Wala naman ako kilalang master nila. At lalong hindi ko sila kilala. Pero ang isang lalaking bagong dating ay parang pamilyar ang mukha nito. Saan ko nga ba siya nakita?

"Kung nagtataka ka, we are the seven master of monster club. At si master Clyde ang pinuno namin." Sabi naman ng isa. "I'm Bobby."

Kaya naman pala hindi sila natinag ng tignan sila ni Clyde ng masama ng araw na iyon. Dahil isa silang grupo.

And the Monster Club tmhe mentioned. Ang building sa loob ng Universidad. Kung saan naglalagi ang mga kilalang estudyante sa eskwelahan. Kung saan nagsasaya ang mga ito kapag may free time. At dito din ginaganap ang mga magagarbong pagtitipon. Dito tumutuloy ang mga bumibisita sa eskwelahan, kapag may mag hahanda para sa kaarawan at marami pang iba.

"Naririnig ko nga iyan. Pero anong ginawa ko at bakit niyo gustong labanan ako. At bakit niyo ako pinag iinitan."

"Hindi naman sa pinag iinitan ka namin. Ang totoo nga, ayaw ni Master Clyde na nandito kami ngayon. But we lure him just this time. Kahit alam naming magagalit siya sa amin. Pero bahala na kung ano ang parusang ilalaan niya sa amin pagkatapos." Sabi ng isa pa. "At alam mo ba kung anong naghihintay sa aming parusa dahil hindi namin siya sinunod?"

"Kung ano man ang gagawin niya sa inyo wala na akong pakialam duon. Pero alam na pala niyong mapaparusahan kayo bakit sinuway niyo pa siya?"

"He is Sunny, and I'm Clark." Pakilala naman ng isa pa. "We never thought that someone like you can give master Clyde a bruise in his face. Sa liit ng katawan mong iyan."tumawa ito ng pagak.

✅MC1 CLYDE: My Beautiful Husband (BOYS LOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon