#25: Zoey

9.9K 419 22
                                    

"Azami where are you?" Pasigaw na tanong ko kay Azami ng sagutin niya ang tawag ko. Kanina ko pa siya hinahanap sa buong resort pero hindi ko siya mahanap kung saang lupalop ba ng mundo siya naroon. Kanina ko pa din siya tinatawagan pero ang lukong Azami ngayon lang sinagot ang tawag ko. Nagpaalam ito na mauuna na ng umalis ng nasa Gym kami dahil may pumukaw na naman sa interest niya. Kaya pumayag na lang ako na magpaiwan.

"I'm in a big trouble Zoey-kun."sagot nito at halata sa boses nito ang panginginig.

Bigla naman akong nag alala dito. Ngayon ko lang narinig sa boses niya ang ganung panginginig. Naparambol ba ito?

"I said where are you?" Tanong ko ulit dito. "I will go get there in no time."

"Im here at casino. Underground ng SRI Hotel."

"What? What happen. Napapalaban ka ba. Do I need to asked for back up?"

"Just go here. Please Zoey-kun. Hayaku koko ni kite Zoey-kun. Watashi o sukutte."

Magsasalita pa sana ako pero narinig ko na ang endtone.

"Damn it Azami."hindi ko mapigilan ang mapamura. Nabalutan ako ng pag aalala dito. Mabilis na tinungo ko ang hotel na sinabi niya sa resort kung nasaan kami ngayon. Dahil sa mabilis kong paglalakad hindi ko na napansin ang bulto ng katawan ni Clyde na nabangga ko. Hindi ko na namalayan na nasa harapan ko na pala siya at nasa likod niya sina Jacob at ang iba pa.

"What happened Love, you look nervous." Tanong nito at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Pupuntahan na sana namin kayo ni Azami. Where he is?" Tanong pa niya ng makitang walang Azami sa paligid.

"Azami is in big trouble."balita ko. "Tinawagan ko siya and he said he is in trouble. I don't know what trouble it is. Pero ngayon ko lang siya narinig sa ganung tuno. Hindi ko na natanong kung ano ang nangyari sa kanya dahil biglang namatay ang phone niya. I tried to catch him up again but his phone is out of reach now."

"Where is he?"si Jacob na nakitaan ko din ng pag aalala sa binalita ko.

"He said he is in the underground in SRI Hotel."

"The Casino underground." Si Sunny. "Pero paanong napunta siya duon. Kailangan ng VIP pass para makapasok duon." Sabi pa nito.

Nalintikan na. Paano kami makakapasok sa casinong iyon kung kailangan ng passcard. Pero hindi pwedeng hindi ako gumawa ng paraan para matulungan siya sa ano mang gulong nakasangkutan niya ngayon.

"Damn it!" Mura pa ni Jacob. "I have one."sabi niya.

Kahit papaano nakahinga ako ng maluwang dahil sa sinabi niya.

"I have one too. Lets go." Si Clyde.

Agad naming tinungo ang hotel na sinabi ni Azami sa amin. Nakaagapay sa akin si Clyde sa paglalakad habang hawak niya ang kamay ko.

"What the hell he is doing there. Damn you Azami." Narinig kong pagmumura na naman ni Jacob. Napuno din nang pag aalala ito.

Palagi man sila nagbabangayan ni Azami ay nakikita naman sa mga ito na mahal nila ang isat isa. Sabi sa akin ni Azami minsan they always fight befor they hmmmmm..... alam na. Yong ganun. Kung sino ang mananalo sa dalawa ay siya daw ang sa ilalim. So alam kung si Jacob ang ilalim sa kanilang dalawa dahil hindi niya ito matatalo sa laban. Magkagalit na naman sila kahapon pero agad ding naayos.

✅MC1 CLYDE: My Beautiful Husband (BOYS LOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon