#16: Zoey

14.2K 579 57
                                    

Nawili sina Azami at mga kaibigan ni Clyde sa pagkukuwentuhan, kahit minsan nagtatagalog ang mga ito ay parang balewala lang ito kay Azami

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nawili sina Azami at mga kaibigan ni Clyde sa pagkukuwentuhan, kahit minsan nagtatagalog ang mga ito ay parang balewala lang ito kay Azami. Nakikitawa na lang ito kahit hindi alam ang mga sinasabi nila.

Palakaibigan si Azami kaya hindi siya nahirapan sa pakikisama sa mga bagong kakilala. Kaya agad nila itong nakasundo.

Pero napansin kong hindi nakikisali sa usapan o biruan ng mga ito si Clyde. Tahimik lang na nakamasid gaya ko at patingin tingin sa akin kung may pagkakataon.

Nakikita ko sa mga mata niya na parang may malalim itong iniisip. Para kasing nililipad ng hangin ang isip nito dahil sa tuwing tatanungin siya ng mga kaibigan ay pinapaulit niya ito. Wala sa mga ito ang atensyon.

"Azami, do you want to drink some."tanong ni Sunny dito ng maubos na ang mga pagkain na pinagsaluhan namin.

Binigyan sila ng nagtatanong na tingin ni Azami. Siguro nagtataka ito kung pwede bang uminom sa loob ng universidad.

"Don't worry Azami, we have a VIP place for that."mukhang nahulaan naman ni Clark ang gustong ipahiwatig nito. "So do you want to come?"tanong ulit nito.

"Yeah! Sure, yūko Zoey-kun, Nomimashou." Aya ni Azami sa akin saka tumayo na ito.

Nagsitayuan na rin ang iba. Umakbay pa sa akin si Azami ng makalapit sa akin. Pero tinabig lang ni Clyde ang kamay niya.

"Lets go dude." Sansala ni Clark ng makitang sisitahin sana ni Azami si Clyde. Ito ang umakbay dito at iginiyang naglakad palayo sa amin ni Clyde. Kahit ayaw sana ni Azami ay nahila na din siya nina Bobby, kaya nagpatangay na lang siya sa mga ito.

"Ano bang problema mo Clyde."sita ko sa kanya ng masigurado kung nakalayo na sina Azami sa amin. Napakawierd na ng ikinikilos nito. Kanina ba bago nakisalo sina Kelly sa amin.

"I told you, i don't like to see other holding you." Mahina pero may tigas na tunong sagot nito. Halata na pinipilgilan ang galit. Na kahit ano mang oras pag muling nasilaban ay magwawala na ito.

Pero ano ba ang ipinagpuputok ng butse niya kung aakbay man sa akin si Azami, kaibigan ko naman iyong tao, saka wala siyang karapatan, at kung makaasta, kami na.

Kami na? Bakit ko ba naisip ang bagay na iyon. Alam ko na may gusto ito sa akin pero hindi ito nanliligaw sa akin. At bakit naman ako liligawan nito. Hindi naman ako babae kaya malabong maging kami.

"Kaibigan ko si Azami, Clyde. At walang ibang ibig sabihin ng akbay na iyon sa amin."sagot ko dito. Saka tinalikuran ko na ito para sundan ang mga ito.

"Para sa akin meron. Ayaw kong may ibang hahawak sayo. Dapat ako lang. Ako lang." Sabi nito na nakapagpatigil sakin sa paglalakad. Malakas ang pagkakasabi niyang iyon kaya may mga ibang tao duon ang napatingin sa amin.

"Lower your voice Clyde, someone might hear you."naiinis na sita ko dito. Ano na lang ang iisipin nila kung nagkataon.

"Its none of my fucking business. I don't care if they hear me." Lalo pang nilakasan nito ang boses. "At kung nagkamali sila at makarinig ako ng mga salita mula sa kanila, subukan na nilang magtago hanggat kaya nila."galit na tumingin ito sa paligid na agad naman na binawi ng ilan ang paningin sa amin na para bang walang nakita.

✅MC1 CLYDE: My Beautiful Husband (BOYS LOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon