♥ • ° • ° • ° • ♥
" N g i t i "
All Rights Reserved 2018
_itssjoy_♥ • ° • ° • ° • ♥
He...
Fourth year high school
Nasa ikaapat na baitang na ako ng high school ng makilala kita.
At nasa ikatlong baitang ka naman.
'Simple', .... yan ang madalas kong nasasabi kapag nakikita kita. Simple ka lang kung manamit at mag-ayos. Matalino, mabait, makulit at masayahin kang tao.
Madalas kitang makitang nakangiti, na akala mo'y walang problemang dinadanas. Korni man pakinggan, pero pakiramdam ko.. Eto ang dahilan, kung bakit kita nagustuhan..
Ako nga pala si Samuel Martinez. Ang Torpe King ng bahay ni kuya, jowkkk. Gusto ko lang sabihin sayo, Chaney, na gusto kita.. Hindi ko alam kung kelan ito nagsimula pero sa palagay ko, noong hapon ng Miyerkules ko ito simulang naramdaman, English time namin yun, siksikan sa pagpasok kaya nagpahuli nalang ako hanggang sa mapadako ang paningin ko sa may dulong room, at nakaupo ka sa may tapat nun at mag-isa. Seryosong-seryoso ka nun sa pagsusulat sa notebook., kaya ganoon nalang ang pag tigil ng mundo ko ng mapatingin ka sakin.
Ilang segundo din akong napatitig sayo nun, siguro kung hindi pa ako tinawag ni Justine, baka maghapon akong nakatingin sayo.. Hindi ko alam kung bakit, pero nakaramdam ako ng saya at the same time may kaunting kaba, nung tumingin ka sakin.
Simula noon, natagpuan ko nalang ang sarili ko, na palagi kang hinahanap, tinitingnan.. Inalam ko rin ang pangalan mo, at hindi naman naging mahirap sakin dahil kaklase mo yung pinsan ko.
Hanggang sa dumating ang araw ng English Festival. Bawat grade and section ay kailangang may ipe-present. Kayo ang unang nag-perform ng araw na iyon, ngiting-ngiti pa ako nun nung umakyat kayong lahat sa stage kaya ganoon nalang din siguro ang gulat na naramdaman ko ng bigla kang mapalingon sa direksyon ko.. Masyadong madilim sa pwesto ko at mag-isa lang din ako nung time na yun kaya hindi ko inaasahang makikita mo ko..
Nakasuot lang kayo nun ng white T-shirt, maikling palda at mahabang medyas at hindi ko alam kung bakit ganoon ka-big deal sakin yun.. Ang cute-cute mo kasi nung mga time na yun..
At hindi pa iyon natapos dun, sunod naman ay noong nasa room ako, habang nagkwe-kwentuhan kaming magbabarkada bigla na lamang napadako ang paningin ko sa katapat na room namin, at iyon ang room niyo. Narinig kong sumisigaw ng ABCD ang teacher niyo, nagche-check siguro kayo nun ng summative test niyo. At sa bawat pag banggit ng letra ng teacher niyo ay tuwang-tuwa at pumapalakpak ka pa.. Kaya hindi ko mapigilang hindi mapangiti, ang cute mo kasi..
Hanggang sa may inabot sayong baso yung kaklase mo na may lamang mga papel, bumunot kayong dalawa ng kaibigan mo. Nakangiti ka habang binabasa ang nakasulat dun, kasabay niyon ang pagsulyap mo sakin..
BINABASA MO ANG
Ngiti
Teen FictionMinamasdan kita.. Nang hindi mo alam.. Pinapangarap kong ikaw ay akin.. Mapupulang labi.. At matingkad mong ngiti.. Umaabot hanggang sa langit.. Huwag ka lang titingin sa akin... At baka matunaw ang puso kong sabik ... Sa iyong ngiti ako'y nahuhumal...