Chapter 5

18 9 0
                                    

She..

Matapos kong marinig ang sinabi ni Samuel, agad akong nagtungo sa locker ko para tingnan yung mga sobre, rose at chocolate na ibinigay niya para kay Eunice na dapat ay sakin.. Binasa ko ang mga sulat doon..

Dear Chaney..

Patawarin mo sana ako kung sa ganitong paraan ako magtatapat sayo.. Kinakabahan at hindi kasi ako makapagsalita kapag,nandiyan ka na at lalong-lalo na kapag nakangiti ka..

Uhm nga pala.. Chaney, naniniwala ka ba kay Kupido? Sa Tadhana? Ako kasi oo eh, simula kasi nung makilala kita.. Para bang lagi tayong pinagtatagpo ng tadhana, yun bang kung nasaan ako nandoon ka, kung nasaan ka nandoon naman ako.. Yung dumadating at nakikita kita sa mga oras na hindi ko inaasahan..

Chaney Dela Fuente, gusto ko lang sabihin sayong gusto kita.. gusto kitang laging makita't makasama.. Dahil isa ka sa mga taong kumukompleto ng araw ko at nagpapasaya sakin. Bigyan mo sana ako kahit isang pagkakataon lang.. Pangako, hindi ko iyon sasayangin

Umaasa,
Samuel Martinez

Omgeee!! Nagtapat sakin si Samuel!!! Totoo nga.. Bakit nga ba hindi ko agad ito binasa, edi sana hindi ko siya nasaktan at napaasa..

Sana, hindi pa siya sumusuko..

Sana, hintayin mo ako... Samuel Martinez

******

He's Point of View..

"This is it pare! I-push mo na yan! Kung ngumiti siya.. Edi umiwas ka ng tingin! Tumingin ka sa paa niya! Sa lupa! O di kaya naman.. Tumingin ka nalang sa gwapong mukha ng pinsan/kaibigan mo.." pagpapalakas ng loob saking sabi ni Justine..

"Sorry pare! Wala akong gwapong pinsan eh.. Pa'no ba yan??" pang-aasar ko

"GAG*!"

****

NgitiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon