Chapter 2

27 11 1
                                    

He...

Tanging kami lang ni Justine ang nakakaalam na may nararamdaman ako para sayo.

Hanggang sa dumating ang araw ng Biyernes, hapon nun.. Kadarating lang namin ni Justine nang maabutan namin si Sir Madrigal sa may hallway, kinakausap siya ni Justine nang mapansin ko yung tatlong babae sa may gilid, iyon ang mga kaibigan mo. Inaakala ko nun na hindi ka na papasok kasi anong oras na, pero laking gulat ko nung makita kang paparating.

Parang biglang nag-slow mo ang buong paligid nang paparating ka na, yun bang nangyayari sa mga teleserye. Ngayon, unti-unti ko ng nare-realize.. Ang ganda mo pala.. Kahit na nakalugay lang yung buhok mo.. Angat na angat ka pa rin sa paningin ko. Hindi ko tuloy namalayan na kanina pa ko nakangiti dito..

Nagulat ako ng biglang magsalita si Justine saktong pagdaan mo.

'Yiiieee kinikilig..' pang-aasar niya, hindi ko alam kung narinig mo yun., 'Baliw ka!' nasabi ko nalang saka siya kinarate. Mukhang hindi mo naman narinig kasi nung nilingon kita, masaya ka ng nakikipag-kwentuhan sa barkada mo.

Hanggang sa dumating ang araw ng mga puso, February 14. Hapon yun, may color-coding na magaganap.

White - single

Blue - friendzone

Black - brokenhearted

Red - in love / in a relationship

Green - bitter

NgitiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon