Nararamdaman naman niya. Yun nga lang, baka mali pala yung nakukuha niyang signals galing sa'yo.
Alam niyang nakatingin ka sa kanya kapag nakatalikod siya.
Alam niyang nakasunod ka sa kanya pero hindi mo magawang lapitan siya.
Alam niya kasi ilang ulit ka na niyang nahuhuling nakatingin sa kanya. At ikaw naman, agad mong iniwasan ang mga tingin niya.
Akala mo siguro hindi ka niya papansinin. Akala mo siguro susupladahan ka lang niya. "My aura is being misinterpreted again," sabi niya sa sarili niya habang sumasakay sa elevator, kasama ang kanyang mga kaklase.
Napaisip tuloy siya, "Baka kapag ngumiti ako palagi, magiging mukhang mabait na ako," yun ang sinabi niya habang nakatingin sa harap nang salamin. She's trying to make faces. Tinatry niya kung ano'ng klaseng ngiti yung bagay sa kanya na hindi siya magmukhang peke sa mata nang ibang tao.
Her P.O.V
I always see him. Maybe, it's because we're on the same building and floor. Everytime I see him, I always catch him looking away. Or maybe, I'm just assuming things? Oh, maybe I really am.
It was that one afternoon, I was hurrying to enter the elevator since late na ako sa first subject ko for that day. Terror pa naman yung professor namin and he's quite strict when it comes to absences and tardiness.
"Oh, wait!" Buti at bumukas ulit yung pintuan nang elevator. Only to find out that it was that guy.. it was him.
I smiled at him.
He did smiled back at me, too.
It was awkward.
Fourth floor.
"You first," he said as he gestured his hand to signal that I should go out first.
I looked at him, "Thank you!"
That was our first encounter, with conversation. It was little and awkward but.. at least.
"Via," dinig ko na tinatawag na ako nang kaibigan ko. My friends waved at me, umupo ako diretso sa assigned seat ko na medyo malapit sa kanila.
Siniko ako nang isa kong kaibigan, "May date ka na ba?" Kumunot yung noo ko nung narinig ko yun.
I looked confused, kaya they all laughed at me, "Date? Kailangan pa ba yun sa Pol-Sci Night? I can manage it alone naman. Sus." I answered. Inirapan lang ako nang dalawa kong kaibigan.
"Irap pa kayo diyan. Pasalamat na lang kayo na may jowa kayong isasama. I mean, yung jowa niya, dito lang din." Sabi ko while I was fixing my things.
Those were my friends. Ciara and Aika. Pareho silang may boyfriend sa higher year. Ako? I don't know. Parang wala naman akong ka-hilig-hilig dun.
I mean, I don't despise the idea. I just don't even feel having one. Though, I'm not closing any doors. It's just, I'm not yet ready.
"Dami naman naming nirereto dito kay Via, parang di naman pumapasa sa standards niya." Hirit ni Eric na nasa kaliwa ko. Nagsusulat siya nang notes para sa recitation namin mamaya. Tumingin ako sa kanya, "Eh, sino ba naman kasi nagsabi na ibenta niyo ako?" sabi ko sa kanila, habang naguumpisa na din akong magsulat sa notebook ko.
Natawa si Jeff na agad namang naging dahilan para mapatingin ako sa pwesto nila, "Oh, ano na naman?" Hindi nito mapigilan ang tawa niya pero tumikhim ito bago makapagsalita, "Ang suplada mo daw kasi, Via. Resting face, ganon! Uso din namang ngumiti, try mo minsan." Halos batuhin ko nang notebook si Jeff dahil sa sinabi niya.