"Mga mag-aaral ng Crisostomo University, maaari po tayong mag bigay ng liham rito. Maaaring para sa isang tao, kapwa kamag aral, o saloobing matagal mo ng dinaramdam. Ipaskil mo lamang po ang nasabing liham sa Say It Board. Araw-araw ay may mga mapipiling liham na malugod naming babasahin sa Campus Radio Station.
Maraming salamat po,
Management"
Malakas na pagbabasa ng kaibigan ko sa malaking signage na nasa taas ng Say It Board. Kasama ko ang mga kaibigan ko rito sa botanical garden na madalas naming tambayang nang mapansin namin ito, kalat ang Say It Board sa buong school sa bawat department. Talamak kasi ngayon sa mga estudyante ang depression, Kaya naman ay ito ang naisip nila. I hissed, Ang lame naman.
"Uy tara mag sulat tayo ng letters."
Pag aaya ni Budoy na sinang ayunan ng iba pa naming mga kaibigan. Nailing nalang akong naki go with the flow nalang.
"Uy pahingi kaming papel Tinay."
Ngisi namin, Kristine glared at us.
"Piso isa, ako nalang laging hinihingian niyo ng papel, di ako pagawan ng papel FYI lang!"
Pagmamaktol nito na nagpatawa saamin.
"Dali na kasi~ please last na promise."
Hirit ko, Lalong napasimangot si Tinay na siyang ikinalapad ng ngiti ko.
"Isa ka pa Novi! yung ball pen ko di mo pa binabalik."
Irap niya, napanguso lang ako.
"Eh hiniram sakin ni Budoy."
Sambit ko, Lumingon ito sa gawi namin.
"Hiniram sakin ni Budang"
He uttered, Nanlaki ang mata ng kapatid niya saka itinuro si Boyet.
"Hiniram niya sakin."
Boyet pouted.
"Yeeei Tinay ang ganda mo."
Hirit pa niya, tinaasan siya ng kilay ni Tinay.
"Ang cute mo boyet, sarap mong itapon."
Pagsusungit niya.
"Eh hiniram ni aubrey tapos hiniram daw ng kaklase niya tapos ayun di na alam kung nasaan."
Kibit balikat niya, napakamot ulo nalang ako.
"Walang hiya, sumakabilang kamay nanaman yung ball pen ko!"
In the end pinamahagian rin kaming apat ng papel ng butihin naming kaibigang si Tinay.
"Mga bwisit talaga kayo."
Pagmamaktol niya pa na nagpangiti nalang saamin.
"Oy anong mga sinulat niyo diyan?"
Tanong ko, Nang matapos kaming lahat ay napagdesisyunan namin basahin ang mga sinulat namin.
"Hello gusto ko lang pong batiin ang mga KFC subcribers, tara punta po tayong wowowin at sabay sabay na umiyak, kasi naman mga men hirap na hirap na ako sa buhay, Ang laki po talaga ng problema ko. Ang gwapo ko po kasi eh, Minsan nga tumititig ako sa salamin tapos mapapamura nalang ako, gusto ko na ngang pakasalan sarili ko eh.
Siguro nung pinanganak ako nahimatay yung mga doktor tapos yung nanay ko napamura nalang pakshet malutong, makinis maputi siya pero bat ganon, Bakit sobrang gwapo ng anak ko! Tapos ayun nga mga brad ang aking sexy badeeh ay sadyang habulin, kahit ata buwaya eh nagkakandarapa saakin.
Papasok nga sana ako sa pbb eh kaso baka himatayin si Kuya at mabading sa sobrang kagwapuhang taglay ko. ayun lang naman po.
P.S. alam niyo po ba na ang english ng aso ay dog? at pag binaliktad niyo ang halo halo ay matatapon?"
BINABASA MO ANG
Stay With Me (One Shot)
RomansEven love is full of a blinding darkness Are you willing to stay?