Prologue

5 3 0
                                    

Lola Kris's P.O.V.

Gumising ako ng maaga para paglutuan ang apo ko,first day of school na kasi niya ngayon at Grade 11 na siya,parang dati lang ay lagi niya kong kinukulit na basahan ko siya ng mga story pero ngayon dalaga na siya.Dalagang dalaga na ang apo ko.

Gigisingin ko na dapat siya kaso nga lang naramdaman kong basa ang gamit niyang unan,kaya dahan-dahan kong hinawi ang buhok niya at tama nga ko.

Tama ako na...

Hindi pa rin niya nakakalimutan yung nangyari noon,yung pangyayaring nakapagpabago sa kaniya.Ilang beses ko na siyang tinanong kung okay na ba siya na lagi niya ring sinusuklian ng salitang okay lang ako mamita,kinalimutan ko na yun.

Pero alam kong kahit kailan hindi siya naging okay,kilalang kilala ko ang apo ko,alam ko kung kailan siya naging okay at hindi.At lumipas na ang ilang taon na hindi ko pa rin siya nakitang okay katulad ng dati.

Alam kong sa bawat ngiting binibigay niya sakin katumbas nun ay doble ng pag-iyak niya sa tuwing wala ako.Alam kong ayaw niyang sisihin ko ang sarili ko sa mga nangyari sa kaniya noon.

Alam kong ayaw niya na nakikita ko siyang umiiyak,pinangako kasi niya sakin dati na hindi siya magiging mahina pag-laki niya,gusto niyang ipakita na malakas siya pero mali siya,maling mali siya.

Hindi pagiging mahina ang tawag sa pag-iyak,isa iyon sa pinakamatapang na gagawin mo,ang pag-iyak sa kabila ng sasabihin ng ibang tao.Iisipin nilang mahina ka pero ang totoo ay matapang ka dahil hindi ka natatakot na harapin ang sasabihin nila.

Yun ang mali niya..

Agad akong lumabas ng makita kong gumalaw yung kamay niya ayaw kong malaman niya na nakita ko na naman siyang umiyak.















Hope you enjoy!
MegaNana09

Secretely Inlove with Ms.NumbTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon