Chapter 2

2 1 0
                                    

Lily's P.O.V.

"Ricardoooo!!!!"

"Ano ba yan,Lily?!Bakit ba ang aga-aga nambubulabog ka ha?!"inis na bulyaw niya sakin sabay taklob ng kumot.

"Baliw ka pala e!!Bumangon kana nga diyan!!!"inis na sigaw ko sabay hagis ng unan sa kanya,sinigurado ko talaga na yung pinakamatigas at pinakamalaking unan yung hinagis ko sa kanya para magising naman ang diwa ng kumag na to.Kabanas e!

"Arayyy!Bakit ba?!"inis na sigaw niya rin sakin.

"Aba!Ako ba'y sinisigawan mo Ricardo?!Ikaw na nga ginigising ikaw pa galit?!Ang aga-aga talaga binubwiset mo ko Ricardo ha!"sigaw ko sabay hugot ng kumot na nakataklob sa kaniya pero hindi niya pa rin ako pinansin at pinagpatuloy ang pagtulog.Argghh,kabanas!

Nagtataka siguro kayo kung nasaan ako no?Kung hindi,edi okay,sasabihin ko pa rin naman e.HAHAHA

Kasalukuyang nandito ako sa kwarto ng natutulog na bakulaw.Andito ako ngayon sa harapan niya para gisingin siya.Usapan kasi namin kahapon sabay kaming papasok ngayon kaya maaga pa lang ginigising ko na.Ang tagal kaya kumilos nitong kumag na to,daig pa niya yung bakla kung kumilos.Akala mo pagong sa sobrang bagal at dahil ayokong malate maaga pa lang dapat gising na siya.Bawal sakin ang pabagal-bagal noh.

"Aa-ahhh-ahh!!!!"malakas niyang daing ng marahas kong hinigit yung tenga niya pataaas.

Tsk,tsk,tsk.Sabi ko pa naman kanina na hangga't maaari hindi ko papaabutin sa dahas ang paggising sa bakulaw na to pero mukhang malabo atang mangyari yun.

"Ano?Hindi ka pa tatayo?Baka gusto mong ma---"masungit na sabi ko sabay cross arm pero bago ko pa matapos yung sasabihin ko ay pinutol na niya ko.

"Ito na!!Tatayo na!!"nakangusong sabi niya sabay padabog na pumunta sa banyo.

"Kainis!"rinig kong bulong niya habang papasok ng CR pero bago pa siya makapasok ng CR ay nagsalita na ako. . .

"Bilisan mo na,ako ang naghanda ng almusal mo ngayon.Umalis kasi si mama pati si tita ngayong umaga may aasikasuhin daw."malumanay na sabi ko habang nililigpit yung mga pinaghigaan niya.

Maya-maya ay nagulat na lang ako nang bigla akong yakapin ni Rich mula sa likod pero hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy na lang ang pagtupi ng mga natitirang kumot.Wala namang malisya to para saming dalawa kaya na rin siguro ang daming nag-aakala na mag-jowa kami,pati nga rin sila mama boto na maging kami pero mag-kaibigan lang talaga kami ni Richard.At hanggang dun lang yun . . .

"Oh,ano?Ganyan ka na lang ba hanggang mamaya?"masungit na tanong ko pagkatapos kong matupi yung kumot niya.

"Hmm.Kung pwede lang"mahinang sabi niya habang yakap-yakap pa rin ako.

"Tumigil ka sa kakaganyan mo Ricardo ha!Alam kong tinatamad ka lang!!Kumilos kana,aalis na ko!!"sabi ko sabay tanggal ng mga kamay niya na mahigpit na nakayakap sa bewang ko.

"Aalis kana?San ka pupunta?"agad na tanong niya sakin pagkasabi ko nun.

"Sa bahay,bakit?San mo ba ko balak paliguin?Sa school?O baka naman sa Mall?Sabihin mo lang!Sipain kita jan e!"inis na sabi ko sabay amba sa kanya.

"Dito ka na lang maligo Lily,may mga damit ka naman sa guest room tsaka may C.R na rin naman dun e"nakangusong sabi niya sakin.Tsk,isip-bata talaga tong kumag na to.

"Bawal.Walang kasama si Mamita sa bahay"paliwanag ko sa kanya.

"Okay."buti naman at marunong makaintindi to ngayong araw akala ko kasi makikipag-bangayan pa ko e.Aalis na sana ako ng . . .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secretely Inlove with Ms.NumbTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon