I Can't Make You Love Me: Chapter One

366 10 4
                                    

Short Story. :)) Hope You'll like this..

*****

Third Person's Point Of View: 

"S-sorry na C-chase..S-sorry..Di ko talaga sinasadya.." Nagsusumamong sabi ng matabang lalaki na nakabangga kay Chase Ethan Dela Rosa. The Campus king. A Petroleum Engineering student from  Le Vigne University

"Ako ba pinaglololoko mo? Eh Binangga mo ako eh!" Sabi niya ng may asar na tono. "Kitang-kita ko!" Sabi niya sabay sipa sa lalaking kaawa-awa. 

Humagulgol ang lalaki. May mga pasa na siya gawa ng pag-sipa sakanya ng lalaking kinikilalang 'Badboy' ng campus. 

Lahat takot sakanya. Hindi siya pangkaraniwang lalaki. Hindi lang basta-basta estudyante. Isa siyang mayaman, at matalinong estudyante. May maipagmamalaki. Ngunit..napaka sama ng kanyang ugali..Arogante, 'bully', palaaway. 

Nananakit siya ng tao, emosiyonal at pisikal. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng nakararami. Dahil para sakanya wala silang karapatan na husgahan ang isang tao lalo na kung hindi naman nila alam ang storya ng buhay nito.

Tinignan niya ng matalim ang lalaki. "Wala kang kwenta!" Sinipa niya ulit. "Wa'g kang magkakamali na banggain ulit ako." Galit niyang sabi. "Ayaw kong malagyan ng katiting na dumi ang polo ko." Sabay turo sa polo niya na naka-kalat sa sahig. Wala na siyang balak suutin muli ang damit na iyon. Para sa kanya, isa na iyong basura. Wala ng kwenta.

"Xel?" Nakarinig si Chase ng boses ng babae. Mukhang yung lalaking mataba ang kanyang tinatawag. "Xel? A-anong nangyari saiyo?" Tumakbo papalapit ang babae. Hindi niya maintindihan ang kanyang naramdaman.

Noon, napaka ordinaryo ng pangyayaring ganun. Pero bakit ngayon...Kakaiba na?

"A-anong ginawa mo sakanya?" Nanginginig na sabi ng babae sakanya. Hindi siya natatakot. Naiinis siya. Ayaw niya sa mga bully. Ayaw niya sa taong arogante at mayabang. "Hindi mo ba alam na masama ang mang-bully?!!" Galit na sabi sakanya ng babae.

Hindi siya nakasagot. Tila ba biglang na-blangko ang kanyang pag-iisip. Wala na rin siyang naririnig na kahit ano maliban sa pintig ng kanyang puso at sa boses ng babaeng may mala-anghel na mukha. 

Tinulungan ng babae ang matabang lalaki. Medyo nahihirapan siya pero wala siyang pakialam. 

Naglakad na ng palayo ang babae akay-akay ang lalaking kaawa-awa.

"Alam mo? Sayang mukha mo at utak mo..Gwapo ka pa naman pero yung ugali mo? Nakakainis. Nakakapang-galaiti. Walang kwenta. Ang laspag ng ugali mo!" At tuluyan ng umalis ang babae kasama ang lalaki.

Si Chase naman ay biglang napahawak sa kanyang bandang dibdib..

Ngayon nalang niya muling naramdaman ang pakiramdam na iyon makalipas ang ilang taon. 

Hindi niya malaman kung bakit siya nasasaktan. Sanay na siya sa mga sinasabi ng mga tao..

I Can't Make You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon