I Can't Make You Love Me: Chapter Two

267 9 1
                                    

CHAPTER TWO! THANKS SA NAG-BASA NITO!! :)) 

At isa pa..Hindi lang romance ito.. :)) 

**

When you can't believe your eyes, you can always trust your heart. Love makes anything possible.♥

**

Third Person's Point Of View:

"Hayy! Kaya ko 'to! Kaya ko 'to! Kaya ko 'to!" Pabulong na sabi ni Jianne sakanyang sarili. "Kung hindi ka naman kasi tanga Jianne eh no?! Tsk!" Sabay sapok sa sariling ulo.

Patungo siya sa bahay ni Chase Dela Rosa. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay kailangan niyang mag-sorry. Sa totoo lang eh halos wala na ata pakialam si Chase sa sinabi niya. Siguro nga eh nasaktan si Chase pero nakakasakit rin naman siya hindi ba?

"Patas lang naman eh pero..UGHHHH!! Ako na nga lang yung tinulungan ako pa yung makapal ang mukha! Kainis!" Kanina pa niya kinakausap ang kanyang sarili.

'Ni hindi na nga niya napansin na lumampas na siya sa bahay ni Chase. Mansion pala.

Agad naman siyang bumalik kaagad. Matagal na niyang alam ang bahay ni Chase. Sino ba naman hindi? Iyon na ata ang pinakamalaking bahay duon sa village na iyon.

Magkapareho sila ng village ngunit ni minsan ay hindi sila nagkita maliban nalang nung nangyari sa nakaraang gabi..

Mag-do-doorbell pa lang sana siya pero may lumabas na ng gate. Si..

"C-chase.." Agad naman siya nilingon ni Chase na may kasamang matalim na tingin. Agad naman siyang kinabahan. Kung kahapon eh may tapang siyang gawin ang mga bagay na iyon o sabihin ngayon eh hindi niya na kaya. Nakakatakot pala talaga ito.

Hindi nagsalita si Chase. Tinaas niya lang ang kanyang kilay na sinasabing 'Bakit ka nandito?'

"A-ano..S.....sorry sa kagabi!" Kinakabahan niyang sabi. "Sorry talaga. Sorry sa nasabi ko." >

>_____< 

Hindi niya malaman ang kanyang gagawin. Nakatingin pa rin sakanya si Chase. Walang ekspresiyon. Katulad ng kapag nasa campus sila..

Walang kaibigan si Chase. Nag-iisa siya. Walang panahon ang kanyang mga magulang sakanya. Sa mga family days noong Elementary at HS niya, ni minsan ay hindi niya nakasama ang kanyang mga magulang. 

Maraming nagsasabing siya ang pinaka maswerteng lalaki sa kanilang unibersidad..

Mayaman. Nakukuha lahat ng gusto..Matalino. Habulin ng babae. Kinaiingitan ng mga lalaki.

Pero kung titignan mong mabuti..

Talaga bang maswerte siya? Malungkot siya. Nag-iisa. Walang kaibigan. Walang magulang na umaalalay. Wala siyang kwenta sa paningin ng iba..

Imbes na sagutin pa siya ni Chase, sumakay siya sa kotseng nakaparada sa harap ng kanilang bahay..

Nalungkot naman si Jianne. Bakit ganoon nalang ang epekto ng lalaking iyon sakanya? Ano bang meron ang lalaking iyon at may pakiramdam siyang kailangan niya talaga mag-sorry? Dahil ba sa guilty siya? Dahil ba may hindi siya magandang nasabi? Eh hindi lang naman siya ang gumagawa nun.

Hindi niya malaman kung ano ang pumasok sa kanyang utak pero gusto niyang pumunta sa sementeryo.. Sa puntod ng kanyang namayapang kapatid na si Enrique..

Duon lamang siya nagpupunta kapag nalulungkot siya..

Sumakay nalang siya ng taxi.

Nang makarating duon..

I Can't Make You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon