Part: I

30 0 0
                                    


Gun ATP as Lesley


LESLEY'S POV:

"Ang pag ibig ay walang pinipili na kasarian at walang tinitignan na estado sa buhay" walang maling pag mamahal as long as tama at wala kang tinatapakan na iba, you are free to love whoever you want- sabi ng pak na pak ko na mudrakels. Ito na lang siguro ang pang hahawakan ko para sigurado na mag kakaroon din ako ng jowa soon, HAHAHAHAHAHA ang aga-aga super drama namarn. 

Bago ang lahat ako pala si Lesley Deguzman upcoming Grade 12 GAS student, actually yung DEGUZMAN last name yan ng nanay ko dahil ayaw niya daw ilagay yung pangalan ng tatay ko kasi daw iniwan niya kaming mag ina sabi niya sa akin may lahi daw si DADDY isa daw siyang american kaya  ito ang naging kinalabasan  ang pretty ko super! Meron akong hazel brown na mga mata, maputi at makinis na balat, blushy cheecks at kissable red lips BABAE NGA FOR SHORT Napaka swerte ko na kahit simple lang ang pamumuhay namin ni mama ay tanggap niya ako kung sino man ako at alam naman niya talaga na diyosa ang anak niya, sa kaibigan naman swerte din ako dahil may kaibigan akong super pogi at Siya si Roy Malcoms mula sa maputi at makinis niyang balat, singkit na mata at mapang akit niyang labi kaso medyo nerdy ang style niya yung tipong naka salamin at super talino, mahilig nga siyang magbasa ng mga libro na di ko maintindihan, malay ko ba kung ano yun, excitedd na talaga ako dahil medyo matagal na din ang nilagi ko sa bahay dahil sa ngayon ay summer pa lang naman. tamang STAYCATION LANG ANG PEG KO! At today ang last day of summer .

So I am so excited dahil bukas na ulit ang pasukan may mga makikilala nanaman akong new friends at makikita ko na ulit ang bestfiend ko na Nerdy sa totoo lang matagal ko ng crush yon ehhh pinipigilan ko lang kasi alam mo na baka ma-reject ang ganda ko kaya masaya na ako kung anong meron kami.

A DAY AFTER.........

"PRETTY GIRL WAKE UP! PRETTY GIRL WAKE UP!!" I know! no need na ipaalala sakin kung gaano ako kaganda CHAROT! Talak ng alarm ko sa cellphone (Actually voice record ko yun) Nagligpit na ako ng higaan at nag handa na ng uniform na susuotin pang pasok wala pa si mama kasi later pa uwi nun sa trabaho isa kasi siyang call center agent at nasanay na ako mag isa, buti na lang at  walang nag tatangka na gahasain ako lalo na kapag NAG-IISA alam niyo naman ang ganda ko sinasamba sa lugar ng mga eskuwala hehe, So nag handa na ako ng breakfast it's fried rice with sunny side up, hot dogs and buttered chicken for my baon of The day nakaka sosyal diba? Para bongga!kasi alam mo naman dapat magpasiklab sa mga jutay tomi kong friends tsaka favorite yun ng aking baby Roy!! ENEBE!! KENEKELEG EKE! 

AFTER MANY MANY HOURS OF PREPARING....

Ito na ako at handa nang pumasok  sa  golden heart university at asusual flag ceremony muna at pag welcome sa aming mga senior senior high students hinanap ko agad ang best friend ko at di nga ako nabigo  na mahanap ang babe ko! dali-dali akong nag lava walk para mapunthan siya.

Me: Hi roy kamusta ang summer?

Roy: ok naman, nag hiking lang at tsaka vacation sa boracay.

Me: ang sosyal naman po pala ng best friend ko! Ang hirap mareach.

Roy: ikaw, kamusta ka na? Blooming ka ahhh!

Me:Enebe sanay na ako na pretty talaga ang kaibigan mong ito since birth. (Pero in the back of my mind "ikaw talaga ang nag papablooming sakin feeling ko di na basta basta ang nararamdaman ko I think I am falling inlove to my Bestfriend")

Roy: Good! So I guess mag kaklase nanaman tayo.

Me: yeah lagi naman tayong pinag tatagpo ng tadhana baka meant to be talaga tayo.

Roy: ano yun? may sinasabi ka?

Me: wala naman, sabi ko tara na baka malate pa tayo (SHOOT MUNTIK NA YON!)


So we go to our Room and halos naman lahat kakilala ko na at may  transferee lang naman sabi sakin ni sab (a.k.a sabrina,  siya yung tipo ng kaklase na alam lahat ng kuwento dahil malakas sa mga teacher A/N:aminin may kaklase ka din ganto  noh? Btw proceed na) lalaki daw sya kaya nakaka curious tuloy kung pogi siya, baka mapalitan ko na tong baby roy ko kung magkataon, Charice solomon wahahahahah.

Ang bilis ng lahat ng pang yayari at wala namang naganap masyado sa first day kundi ang getting to know each other portion, pansin ko lang na  hindi pumasok yung transferee  lalo tuloy akong na-curious kung ano talaga itsura niya, si sab kasi mag kukwento na nga lang bitin pa. Perp bago pa matapos ang lahat hihingi talaga ako ng sign para makapagtapat na ako kay roy, di ko na kasi talaga kaya, siguro I have to tell him na meron akong nararamdaman para sa kanya, habang nagiisip meron isang taong biglang nag takip ng mga mata ko, nag tanong pa ako kung sino pero sa loob-loob ko alam ko naman talaga kung sino ang may pakana at yun ay si Roy, gusto niya ako na pumunta sa kanila para daw makapag bonding kami since buong summer vacation hindi kami nag kita, namiss siguro talaga ako ni bebe Roy Since wala naman akong gagawin sa bahy ay pumayag na ako, sino ba naman ako para tumanggi Chos.   Nag paalam muna siya sandali dahil may kukunin lang daw siya sa room.

"ITO NA KAYA YUN?" yung sign na hinihingi ko para sabihin sa kanya na mahal ko siya na higit pa sa pagiging magkaibigan namin, bigla akong nakaramdam ng pang lalamig ng katawan dala ng kaba, pinag pawisan ako sa pag iisip kung dapat ko na bang aminin sa kanya ang totoo, pero sa kabila nun ay natatakot ako na kung sabihin ko sa kanya ng mga salitang mahal kita ay magbago ang lahat at magkaroon ng lamat ang kung ano man an meron kami, nalilito ako kung ano ba talaga ang dapat kong gawin hanggang sa may makita ako na gay couple sa daan at naiinggit ako sa nakita ko, kung gaano sila kasaya na tila sila lang dalawa sa mundo, gusto ko marananasan yun. Kaya isang hingang malalim at malakas na pag buga ang ginawa ko. "SIGE GAWIN NA NATIN ANG PROJECT PAG AMIN KAY BESTIE." Mag dadasal na talaga ako sa diyosa ng kabaklaan at feeling ko kailangan ko isamo ang 4 na brilyante para magawa ko ito. HAYS.

                                                                          <END OF CHAPTER 1>



A/N: First chapter is done, please let me know kung ano yung mga thoughts nyo para malaman ko kung ano yung mga dapat/hindi dapat kong gawin sa pag susulat.

Thanks in advanced. :)

My Bestfriend's BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon