Part: III

9 0 0
                                    

Off Jumpol as Kean Malcoms



"Ito na ang aking pag kakataon para ipagtapat ang nararamdaman ko para sa kaibigan ko, maaring isusugal ko ang friendship namin pero hindi ko naman kaya na buong buhay ko ay may tinatago, gusto kong malaman niya kung ano ba talaga ang papel niya sa buhay ko, na hindi lang siya basta kaibigan kundi ang one true love ko."

*Ang pag amin*

Me: ROY MAY AAMININ AKO SAYO!!Napalingon siya sakin na tila ba nag tataka at...

Tiningnan ko ang mga mata niya at gusto kong iparamdam sa kanya na seryoso ang bawat katagang aking  sasambitin, yung tipong titig pa lang ay nangungusap na, napatulala sya at tila ba nag aantay kung anong susunod kong sasabihin.

Huminga ako ng malalim at nag simula ng magsalita kahit na halos manlambot na ang tuhod at parang gusto ng sumabog ng sikmura.

Me: Roy, natatandaan mo noong una tayong nagkita, at tumabi ako sayo? ang mga ginawa ko na to the point na magmukha na akong katawa-tawa, para kasi sayo yun, kaya kong gawin halos lahat para mapansin mo at mapaligaya kita, ang totoo kasi niyan ay meron na akong narararamdamang pag mamahal para sayo hindi ko naman sinasadya na mahalin ka.  Actually hindi ko talaga alam kung anong dahilan kung bakit minamahal kita, baka siguro simula ng makita kita alam ko na ikaw na, ang lalaking maari kong makasama habambuhay.

*Akmang mag sasalita siya ng nakawan ko ng halik ang mapupula't malabot niyang labi.*

Me: Patapusin mo muna ako mag salita, tsaka ka na mag react ok? *Tumango naman siya bilang tugon.* Ang laking pasasalamat ko sayo kasi kahit na alam mo na bakla ako ay kahit minsan ay hindi mo pinadama na iba ako, actually kapag magkasama tayo ang tingin ko sa sarily ko ay napaka espesyal ko dahil lagi ka nandiyan para sa akin, hindi ako umaasa na parehas tayo ng nararamdaman, gusto ko lang malaman mo kung ano ka ba talaga para sa'kin.

*Di ko namalayan ang tuluyang pagdaloy ng maiinit na luha sa aking mga mata dahil sa umaapaw na saloobing tuluyan ng pinakawalan.*

Ikaw ang una kong minahal, Roy Malcoms at hindi ako umaasa na suklian mo ang pagibig na inaalay ko para sa iyo, niyakap ko siya at noong hihiwalay na ako ay bigla ko na siyang tinulak sa infinity pool para umeskapo.

Mala turpido sa bilis kasabay ng pag dausdos ng luhang di mapigilan ang pag agos, sobrang saya ko na nasabi ko na ang lahat na tila isang malaking tinik ang nawala, pero handa na ba talaga ako na harapin ang consequences ng ginawa ko kanina? HAYS. 

Habang tumatakbo ay nakita ko ulit si roy pero teka-teka bakit naka salamin na siya at naka t-shirt at tokong shorts nakakapag taka ang bilis naman niya maka recover at mag bihis agad-agad? As in tuyo agad siya at parang walang komprontasyon na naganap.

Roy: oh bakit pawis na pawis ka, teka umiyak ka ba?

Me: Basta! tsaka bakit ang bilis mong magbihis at nandito ka kaagad may teleportation power ka ba?

Tila nag tataka pa siya nung una at nung maliwanagan ay hindi niya mapigilan ang hagalpak na tawa na siyang nag bigay ng malaking question mark.

Roy: HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA, anong ibig mong sabihin, Te-teleporation power HAHAHAHAHAHAHA. 

Me: kasi kanina-kanina  kausap lang kita tapos ngayon andito ka na.

Roy: Les, baka hindi ako yung kausap mo kanina, remember sinabi ko sayo kanina na dumating na yung kapatid ko from states, baka si Dean yung nakausap mo, my Twin brother.  

Me: TWIN BROTHER!

Roy: Oo nga! sorry di ko nasabi sayo meron akong twin brother.

Me: ANO! so, yung kausap ko kanina ay hindi ikaw kundi ang kakambal mo?

( so ang ibig sabihin hindi siya ang kausap ko kanina OMG!! NAKAKAHIYA!!)

Roy: Mukhang ganun na nga Les, Siya lang naman ang kahawig ko sa bahay na ito. 

Lesley's pov:

Namutawi ang pang lalamig na sinabayan ng pag papawis ang naging eksena, sobrang napahiya ako sa kagagwan ko, ang lakas pa ng loob ko na halikan siya, iyakan siya, yakapin at itulak siya sa pool, paano ko ito ngayon matatakasan! Kung pwede ko lang ikutin pabalik ang kamay ng orasan para maiwan ko ang pinaka nakakalokang kaganapan sa akong life.

Shuta naman kasi itong si Roy, alam ko na meron siyang kapatid pero di ko naman alam na may kakambal sya na talagang kamukha niya, mula sa tabas ng buhok hanggang sa haba at taba ng kaniyang mga binti hahahaha.

Pero ayos na din siguro dahil atleast hindi ko na kailangan ilayo ang sarili ko kay Roy, pero parang bukod sa tinik ay may dumagdag pa na buto, TADHANA NGA NAMAN! iba ka kung mag trabaho. naka-qouta ka na VAH!

Ilang saglit pa ang lumipas ng may marinig akong mga yapak ng paa, at unti-unting papalapit kung nasaan kami ni Roy pagka lingon ko laking gulat ko ng makita ko si.....

Itutuloy....




My Bestfriend's BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon