Off Humpol as Roy Malcoms
<FLASHBACK>
LESLEY'S POV:
Grade 11 ako that time nung una kong makilala si Roy Malcoms dahil parehas kami ng school na pinapasukan, unang sulyap ko pa lang nabighani agad ako sa kagwapuhan niya kaya gumawa talaga ako ng paraan para makilala at maging friends kami, desperada na kung desperada pero feeling ko makakagaanan ko ng loob ang isang to kaya para maging successful and project Papansin ang una kong ginawa ay ang tabihan siya at magkipagkilala.
Me: "Hi, Good Morning! Lesley nga pala, anong pangalan mo (sabay abot ng kamay)
Roy: *Dedma*
Me: Hello? naririnig mo ba ako, bingi ka ba? bulag? o kaya pipi?
Roy: *Dedma* >.<
Me: Hays, bahala ka nga dyan, kala mo naman kung sinong gwapo, emz.
Since dedma ang ganda ko ni fafa mo, nag focus muna ako sa eksena ng room at syempre dahil first day, ang di matapos-tapos na introduce yourself ang kalakaran, kaya may nabuong idea agad ako *insert glowing light bulb* gagalingan ko ang pag papakilala para naman mapansin o masulyapan man lang ako ni Roy.
Me: Hello everyone I'm Lesley Deguzman I'm 17 years old! half from Pampanga- mother side at benguet for short "kapampanget", Hagalpag sa tawa naman ang ginawa ng classmates ko na mayayaman na kala mo first time lang marinig ang joke na sinabi ko eh halos gasgas na yung joke na yun kasi di lang ako nag sasabi nun, napukaw naman ang atensyon ko kay Roy na kitang-kita ang saya dahil sa di mapigil na tawa, mukhang natata* na ang loko, HAHAHAHA.
Scholar ako sa School na ito and I'm hoping na maging friends tayong lahat
*PALAKPAKAN*
Mukhang mababait naman ang Classmates ko, kahit na exclusive at pang mayaman ang school na napasukan ko, ay masasabi mong go with the flow ang halos lahat sa kanila, including Roy, tipikal na stereotype na siguro na pag mayaman ka ay mayabang, masasama ang ugali na tipong ang tingin nila sa mga sarili nila ay Diyos.
And I saw HIm smiling at me, feeling ko tagumay ang plano para mapansin niya. Kaya gumanti ako sa kanya ng pinaka maganda kong ngiti para naman ma fall siya sakin, charz.
Tumabi ako sa kanya at sinabi niya na ang galing ko daw at nakakaaliw ang introduction ko, tamang hawi ng buhok at muling nagpakilala, inabot ang kamay sabay sabi-
Me: Lesley nga pala.
Him: roy, Roy Malcoms. :D
Fafa Roy Enebe kinikilig ako, feeling ko malalag ang panty at mabubuo ang nawawala kong matres. ^_^
Syempre hindi ako nagpahalata, hingang malalim, pigilin ang damdamin, ngumiti at pagnasahan ang lalaking katabi. HIHIHIHI.
So after nung pangyayari na yun lagi na kaming magkasama halos mapagkamalan na kaming mag jowa ng iba dahil sa closeness namin, pero ayoko mag assume at bigyan ng meaning ang mga ginagawa namin sa isa't-isa dahil mahirap umasa at lalong di ko pa kaya ang masaktan, baka sadyang romantically friendly lang talaga si roy, pero di ko na talaga kaya ang bugso ng damdamin at unti-unti kong natutunan na mahalin ang tinuturing ko na kaibigan, mula sa biro parang magiging seryosohan na talaga.
Siguro hindi lang dahil sa maamo niyang mukha kaya ako nahulog sa kanya, napakabait niya kasi, matulungin at apaka thouthful pa ni ogag, lagi akong ina-update ang lambing lambing Babaeng-babae talaga ako pag kasama siya, di ko naramdaman na iba ako kahit na alam ko na straight siya at isa akong Diyosa.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Brother
Romance"Ang pag ibig ay walang pinipili na kasarian at walang tinitignan na estado sa buhay" walang maling pag mamahal as long as tama at wala kang tinatapakan na iba, you are free to love whoever you want, pero pano mo malalaman kung ang nararamdaman ay t...