Chapter Two

7 3 0
                                    


Kasalukuyan kaming nagkaroon ng pagtitipon dito sa bahay at isang nakahihilong paglalakad ang ginagawa ni Soo na malalim ang iniisip.Kung tutuusin nga hindi naman  ako kasama sa misyon nila.

Kinuha ni Soo ang pentle pen at nagsulat sa white board.

"Medyo mahirap ang misyon nating ito pero dapat matapos natin ito sa lalong madaling panahon" napasandal na lang ako sa upuan.Kung sila nga may misyon na ako naman wala pa.Ano bang kailangan nilang problemahin.

"Okay tapos na.Pwede na kayong magpahinga" kaniya kaniya naman ng tayo ang mga kasama ko samantalang nanatili naman akong nakaupo

"Kai,magpahinga ka na" sabi ni Soo.Tinanguan ko lang siya bilang sagot

Nang makaramdam ako ng pagod ay umakyat na rin ako sa taas at naabutan ko doon si Byun na mahimbing na natutulog. Saglit kong tiningnan ang nakabukas na bintana bago ako pumunta sa kama.Hindi ako mapakali dahil malamig ang hanging nagmumula sa bintana.Tumayo ako para isara iyon.Ngunit ng hahawakan ko na ito ay may malamig na bagay ang naramdaman ko sa ulo ko.Napapikit na lang ako.

"Ikaw na naman ba?" tanong ko

"May isang bagay lang akong sasabihin sayo dahil senior kita."

Akmang haharap na ako sa kaniya ng magsalita siyang muli

"Kasama kita sa misyon.Sana natanggap mo" sabi niya at agad na kumaripas ng takbo papunta sa bintana at tumalon doon.

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa pangalawang pagkakataon ay nakatakas na naman siya.

Kinabukasan ay maaga kaming pumasok.May exam kami kaya maaga kaming pumasok.Suot ang mga makakapal na salamin ay umupo kami sa pinakadulong upuan kong saan agaw pansin kami dahil sa mga suot namin.

"Ano ba yan!Gusto ko pa naman sanang iperfect ang exam pero hindi pwede" sabi ni Chris sa mahinang tono.Aminado naman kaming matatalino ang tatlong yun ngunit yun ang misyon nila.

Nang magsimula na ang test ay  marami sa mga kaklase ko ang nagbubulungan ng mga sagot.I should say  nagkokopyahan sila.

Nang matapos ang exam ay nakahinga na ng maluwag ang mga kaklase ko at nagkekwentuhan na tungkol sa mga mahihirap na sagot.

"Hindi nga ko nahirapang magsagot eh" mahinang sabi ni Luhan.Paano siya mahihirapan eh siguradong hinulaan niya lang yung sagot.

Pagkatapos ng klase ay agad kaming umuwi ng bahay.Mag gogrocery pa kasi ako.

"Alis na ako" sabi ni ko at sinara na ang pinto.

"Uy Kai!" napalingon ako sa nagsalita.Si Jaeron pala.Ang kapitbahay naming pilyo.Gustong gusto niyang pinagtitripan ako kahit na mas matanda ako sa kaniya ng tatlong taon pero wala talagang galang ang isang toh.

May kasama siyang isang teenager na kaklase niya ata.Nakauniform pa sila at mukhang uuwi pa lang.

"Kai gusto ko nga palang ipakilala sayo si Daniel.Bago kong alalay" saad ni Jaeron.

Inabot naman ni Daniel ang kamay niya at ngumiti sa akin.Tinanggap ko naman iyon at ngumiti rin sa kaniya

"Daniel si Kai pala.Ang ultimate friend ko" pagpapakilala sa akin ni Jaeron kay Daniel

"Ah sege mauna na ako sa inyo" sabi ko at nginitian ulit sila

"Oh sege.Maglalaro pa kami ng video games sa bahay.Wala si ate kaya okay lang na magkalat sa bahay" sabi ni Jaeron habang nakangisi.Napakamot naman ng ulo si Daniel.

Tumalikod na sila at nagsimulang maglakad.Pero iba ang pakiramdam ko kay Daniel.Lumingon siya sa akin ng napakaseryoso.Nakita ko pang hinila siya ni Jaeron.

Changes from TommorowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon