"Bakit ba napaka sabik mo sa dugo?"tanong ni Luhan habang nakangiti
"Ewan ko.Parang di kumpleto yung araw ko kapag walang namamatay" sagot naman ni Yumin
"Tss.Tayo na nga baka wala na tayong abutan doon" mabilis kaming sumakay sa kotse at nakarating sa pupuntuhan namin
"Ayos!Show time!" suot ang itim na kasuutan at mask ay isa isa naming pinasok ang isang napakalaking mansyon.Lahat ng madadaanan namin ay may mga bantay pero walang problema yan dahil uhaw sa dugo ang mga kasama ko.Lalo na si Yumin na tuwang tuwa ng makakita ng dugo.
"Haaays ano ba yan!Wala ba akong gagawin dito?" sabi ni Byun habang nakatayo sa isang tabi at pinapaikot ang dagger sa daliri
"Bilisan na natin ng maabutan ko yung favourite drama ko" inis na sabi ni Chan na halos tumakbo na.Sumunod na rin ako hanggang sa marating namin ang pinakadulong pinto sa third floor.Sinipa ni Chen ang pinto na gumawa ng ingay.Pagkabukas ay bumungad sa amin ang isang matandang nakaupo sa isang pulang sofa katabi ang dalawang babaeng nakulangan sa tela ang damit.Nakalingkis ang mga ito sa braso ng matanda na nasisiyahan sa ligayang dulot sa kaniya ng dalawang babae sa tabi niya.
"Hoy tanda,yung usb?" deretsong tanong ni Chan sa matandang parang walang nakikitang bisita
"Guys,patayin ko na ba?" tanong ni Yumin habang inihahanda ang baril niya
"Kahit na kating kati na ang kamay niyo wag niyong papaputukan ang matandang—" pinutol ko na ang sasabihin ng lider namin ng barilin ko ang dalawang katabi ng matandang yun
"Kai!Ano ka ba!" sigaw ni Kyung soo.Hindi ko siya pinansin at naglakad ako ng deretso papunta sa direksyon ng matanda
"Wheres the USB?" deretsong tanong ko habang hawak ang kwelyo niya
"W-wala!Hindi ko alam!" itinutok ko ang baril ko sa kaniya at idiniin ito sa noo niya
"Nasaan ang USB?" paguulit ko sa tanong ko
"Hindi ko al—" tuluyan ko ng binaril ang noo niya ng mapansin ko ang isang maliit na bagay sa lamesa na nakaipit sa isang itim na notebook.
Nilapitan ko ito at kinuha.Napangiti ako ng mapagtanto na tama ang iniisip ko""Mission Success"
Kai's Pov
"Hyung tulungan mo ko!Binubugbog ako ni Chen" sigaw ni Byun sa lider namin na si Soo
"Wala akong pake" sagot ni Soo at nilagpasan ang dalawang nagpapatayan
"Kai yung assingment ko!" sigaw sa akin ni Chan.Binato ko sa kaniya yung notebook niya.Wala namang tamang sagot dun eh.Kay Kyungsoo na lang ako kokopya.Akmang tatayo na sana ako ng may maramdaman akong tatama sa ulo ko kaya awtomatiko akong napayuko.
"Sorry nagkamali ng sasapulin" sigaw ni Yumin na ngayon ay nakapeace sign
"Kai pinagtutulungan nila ako!" sigaw ni Byun na sinubukang hingin ang atensyon ko pero nginitian ko lang sila
"Bahala kayo!" sigaw ko pa bago tumakbo papunta sa kwarto ni Kyungsoo
"Kyungsoo pakopya!" sigaw ko sa kaniya
"Na kay Lay" napabuntong hininga na lang ako dahil sa pasapasahan namin ng notebook
Naabutan ko pa si Lay na nakahead set at nag vo-vlog.
"Lay yung notebook daw ni—" bago ko pa natapos yung sasabihin ko ay binato niya ako ng unan.Ibig sabihin lang niyon na wag ko siyang iistorbuhin.Wala na akong nagawa kundi ang bumalik sa pinanggalingan ko.