CHAPTER THREE

3 1 0
                                    

Kai's Pov

"Ay talaga naman!Nag antay kami ng matagal pero out of stock pala!Anong gusto niyong gawin namin?Mag antay pa ng mas matagal" tinakpan ko na lang ang tenga ko para hindi marinig ang nakakarinding sigaw ni Soo

"Akala mo naman may pambayad kapag dumating yung order niya.Siguro nga tuwang tuwa pa siya kase out of stock yung inorder niya" bulong ni Chan sa tabi ko

"Uy Kai,pengeng bente" baling niya sa akin

"Ano na naman bang gagawin mo sa bente?" tanong ko sa kaniya habang nagkakamot ng ulo.

"Aissh.Bigyan mo na lang ako ng bente." binato ko sa kaniya yung bente niya at agad naman siyang sumibat.

"Bwiset!Ang tagal na non wala pa din!" sigaw ni Soo saka umupo sa tabi ko

Maya maya pa ay narinig naming tumunog ang door bell.

"Ako na" sabi ko kay Soo at tumayo para buksan ang pinto.

"Magandang umaga po" bati ni Daniel  habang nakangiti at nakikita ang mapuputi niyang mga ngipin.

"Anong ginagawa mo dito?Di ba sinabi ko sayo na magkita na lang tayo sa sunod?" sermon ko sa kaniya.

"Pero wala naman po kayong sinabi na wag ko kayong puntahan sa bahay niyo" nakangiti pa rin nitong saad

"Kai sinong kausap mo?" napalingon ako kay Soo na papalapit na samin

"Umalis ka na!" akmang itutulak ko na si Daniel kaso nalapitan na kami ni Soo

"Sino siya Kai?" naghahagilap ako ng maisasagot ng biglang sumagot tong bwiset na batang toh

"Ako po si 83.Masaya po akong makilala kayo" nakangiti niyang inilahad ang maputi niyang kamay sa lider namin.

"83?Ibig sabihin-" itinulak ko si Daniel papasok sa loob at pinaupo sa sofa

"Dito ka lang.Kukuha lang ako ng maiinom mo" pumunta na ako sa kusina para kumuha ng juice.Nag aalangan pa nga ako kong lalagyan ko ng lason yung juice oh hindi.Pero sa huli,mas pinili kong wag na lang siyang lasunin.

Ewan ko ba.Bakit ang init ng ulo ko ngayon.Pagbalik ko ay nandon na silang lahat.Pinalilibutan nila si Daniel.

"Ikaw ang makakasama ni Kai sa misyon?" gulat na tanong ni Byun

"Hep.Umalis nga muna kayo.Nasusufocate yung bata eh" sabi ni Lay at nilapitan si Daniel.Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa.

"Hindi ka naman mukhang mamatay tao.Ilang misyon na ba ang nagawa mo?" tanong ni Lay kay Daniel

"First time ko po ito" nagulat ang lahat sa sagot niya

"Pero kaseng edad mo lang si Sky.Hindi,sabihin na nating mas matanda ng isang taon si Sky" sabat naman ni Chen na akbay akbay si Sky

"Pero wala naman po sa itsura yun di ba?" Oo.Wala nga sa itsura yun.Inambush niya nga ako nong nakaraan eh

"Teka nga.Ba't ba kayo nandito?Paguusapan pa namin ang misyon namin kaya pwedeng umalis muna kayo" sabi ko at tinaboy sila

"Akala mo naman mahirap yung misyon nila" bulong ni Chen na rinig naman

"Umalis na kayo" maya maya pa ay kami na labg dalawa ang nandidito

"So,ano pong unang gagawin natin?" tanong niya sa akin.Napaupo ako sa sofa at napaisip ng malalim

"Kailangan muna nating alamin kung bakit ba natin kailangang iligtas si Zyreen" siya naman ngayon ang napaisip ng malalim

"Teka,sino po ba si Zyreen?" tanong niya

"Kaklase ko siya at siya ang misyon natin"

"Kung ganon po pala,kailangan lang po natin siyang kaibiganin para malaman natin kung bakit natin siya kailangang iligtas" napatango naman ako

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Changes from TommorowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon