Hindi ko alam kung bakit sa tuwing napapadaan ako sa mga drug store ay napapabili ako ng mga lobo. Nagsimula ang pagiging adik ko sa lobo noong 1st Year High School ako. Hindi ko naman ginagamit ang mga lobo na ito sa mga kalaro ko kundi nakastock lang sa aking wallet o sa aking kabinet. Nagbabakasakaling magagamit ko ito balang araw.

Naalala ko pa noong highschool ako na nakikipagtalo ako sa mga classmates ko dahil sa lobo. Ayaw nilang maniwala na madami ako nito at nakakabili ako kahit hindi pa ako diseotso. Kaya naman isang araw dinala ko yun at pinalobo sa loob ng klase namin at bilib na bilib sakin ung mga tropa at classmates kong lalaki hanggang sa binansagan akong "Boy Lobo".

Dumating rin ung time na napahiya ako sa aming bahay ng maglinis ung katulong namin sa kabinet ko. Nakita niya ung mga precious balloons ko at nakatago iyon sa loob ng mejas na nasa loob ng aking kabinet. Pinakita iyon sa aking nanay at napagbintangan pa ung tito at lolo ko na sila ang gumagamit non habang kumakain kami hahaha. Kaya naman inamin ko agad na sa akin yun. Napagalitan ako pero at the same time tuwang-tuwa ang lolo at tito ko dahil raw magiging babaero raw ako pagtanda ko. Pero ang nakakatawa nacurious ung little brother ko at inexplain sa kanya ni mama na lobo raw ito kaya naman nagpumilit na pinahipan ng little brother ko sa nanay ko at natatawa ako kasi nasa narapan kami ng dinner. Saklap no? Dinner with the lobo.

The Loner's Untold StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon