"Hindi ko ginusto ang nangyari" yan ang unang pumapasok sa isip ko sa tuwing nakakakita ako ng peryahan sa daanan papunta o pabalik sa Maynila. Hindi ko lubos maisip na sa murang edad nakagawa ako ng kasalanan na hindi maalis-alis sa isipan ko.
Kamusta na kaya yung babae na yon? Ayos kaya siya? Nagkaroon kaya siya ng magandang buhay? Yan ang mga ilang katanungan na hindi ko pa rin masagot-sagot. Siguro kung hindi ako pumunta sa peryahan noong bata ako meron pa sana ang isa niyang mata. Oo tama ka ng iniisip, nakadisgrasya ako ng magandang babae. Hindi yung "Disgrasya" na nasa isip mo kundi "Disgrasya" na isang masamang pangyayari na hindi ko ginusto.
Hapon na noon at nagaagaw ang liwanag at dilim ng napagpasyahan ko na pumunta sa peryahan. Sa mura kong edad (Anim na taong gulang) manghang mangha ako sa mga nakikita ko sa peryahan tulad ng mga nakakaaliw na mga palabas, mga pasugalan, mga batang naglalaro, malakas na tugtog at mga makukulay na mga ilaw. Kaya naman humingi ako ng pera sa aking paboritong lola upang makalaro ng darts. Oo tama yung "Darts" na tatamaan mo ung malilit na lobo para makakuha ka ng premyo pero huli na ang lahat ng iba ang tamaan ko at kumaripas ako ng takbo at nagtago papunta sa pansitan ng lola ko. Kwento pa sa akin ng lola ko, nakatulog raw ako sa ilalim ng mesa kung saan itinatago ung mga saging at may nagtanong raw na mga pulis kung may napansin yung lola ko na batang lalaki na may hawak na darts.