Alam niyo yung feeling na super excited ka dahil natanggap ka sa trabaho at first time to na nagkaroon ng trabaho? Isang linggo akong naglibot dito sa bayan at kalapit bayan namin para magsubmit ng resume ganun na din sa mga facebook groups na naghihire ng mga work. Nagapply ako sa kahit anong klase ng trabaho mula sa laborer, waiter, cook, katulong (kahit pangbabae lang raw), tindera ng ukay-ukay, tagabantay ng computer cafe, promodizer, field work sa globe, video editor, graphic artist, at mga work sa abroad. Naubos ang dala kong resume at meron yung iba na ininterview agad ako pero overqualified raw ako sa work pang paper works raw yung kurso ko. Kaya naman naghintay na lang ako at umasa na may tatanggap sakin.
Halos isang linggo rin akong naghintay ng text o tawag sa mga inapplyan ko. At salamat sa Diyos at may dumating na isa. Natanggap ako bilang isang graphic artist yung naglalayout ng mga tarpaulins sa kasal, binyag, patay, at iba pa.
Sobrang saya ko sa araw na iyon pakanta-kanta pa ako habang naliligo dahil pupunta kami sa birthday party ng tita ko. Sa birthday party hindi maiwasang uminom. Oo uminom ako sa sobrang saya ko hindi ko namalayang hating gabi na ko nakauwi.
Kinaumagahan nagtataka ako bakit nasa kwarto na ko. Tingin agad ako sa relo. Tae 8:00 am na, kailangan ko ng maligo at kumain kasi malalate na ko sa work first day pa naman.
Hindi ko na naubos ang pagkain kong itlog na maalat, tuyo, at kape. Kaya naman pagewang-gewang pa akong pumunta sa banyo. Buti na lang at hot and cold ang shower namin. Kaso suka ako ng suka epekto ng kalasingan kagabi.
Pagkapasok ko sa work kaming dalawa lang muna nung katiwala ng boss namin kasi mamaya pa raw darating. Syempre pacool pa akong pumasok at kunwari normal lang ang lahat, ayos naman ang setup ng work ko, nakaaircon tapos sa harap lang ako ng computer. Naginstall na rin ako ng mga gagamiting kong applications katulad ng Adobe Photoshop pero wala pang sampung minuto ayun nagsusuka nanaman ako. Soft opening raw namin kasi sa September pa yung grand opening so tuturuan raw muna ako sa mga gagawin doon sa shop.
Dahil sa pinagpapawisan ako ng malamig, nagsusuka, at nahihilo pa ako. Nagpaalam ako ng maayos doon sa kasama ko kung pwedeng umuwi na lang ako kasi may hangover pa ako at hindi ko kaya magwork ngayon baka kasi magkamali ako at hindi rin ako makaconcentrate. Pumayag naman siya at dumeretcho na ako sa bahat upang matulog.
Kinagabihan....
One message received.
+63927578xxxx
Ading pinapasabi ni boss na daw pumasok bukas.
---------------------------------------------------------------------
Me
Okay naman na ako kuya, kaya ko na bukas.
--------------------------------------------------------------------
+63927578xxxx
Kasi sabi ni boss first day mo palang daw kasi un tapos ganun daw ginawa mo.0
--------------------------------------------------------------------
Me
Sige kuya thank you.
--------------------------------------------------------------------
Papersheet naman oh. Kung kailan nagkawork ako tsaka ito nangyari.