Chapter 3:Joke time

11 1 0
                                    

Chapter 3:

After that "hug", mas naging awkward ako pag nakakaharap ko si Cryle.

Yung feeling na masaya at kinikilig ka kasi kayong dalawa ng mahal mo 'yung maiiwan sa room for two and a half hours. Pero mas nangingibabaw 'yung awkwardness sainyong dalawa. Haaaaay.

"Babye!!!"

And kaming dalawa na lang 'yung naiwan. Haaay.

"Uhm... self-study lang, ha? Tapos mag-uusap lang tayo if ever may tanong man. Okay?"sabi ko kay Cryle.

"Okay."and nagbasa na siya.

Ganito ba pag broken-hearted? Tumatahimik?

Di kasi ako sanay na ganito si Cryle e. Usually kasi pag kaming dalawa lang ang naiiwan magreview, ang ingay niya. Puro Science stuff 'yung lumalabas sa bibig niya. Corny jokes na related sa mga Scientific terms. Kaya nagkakasundo rin kami niyan pagdating sa Science. Pero ngayon? Walastek. Nakakamatay 'yung katahimikan.

Basa.

Basa.

Basa.

Basa.

Basa.

Basa.

Shemay.

Penge lubid. Pambitay ko lang naman sa sarili ko.

Kasi naman e!!! Ba't sobrang tahimik?

UGH! >_<

"Anni."

"If broken hearted ka, anong dapat gawin?"tanong sakin ni Cryle. Nice silence breaker naman 'yan. Parang na-broken hearted naman na ako, boy!?

Pero syempre, may pinagdadaanan 'yung tao e. Kelangan rin niya ng malalabasan ng sakit. And as a friend, I'm ready to offer a shoulder to cry on.

"Uhm, move on...?"sagot ko.

Sorry naman kung 'yun sagot ko, ha? Sabi na sainyo e. Oo mahilig ako magbasa ng Wattpad stories lalo na 'yung Romance at Teen Fiction. Pero wala akong kaalam-alam tungkol diyan!

"I mean, how to move on?"tanong niya sakin.

"Uhh-- Teka nga lang! Ba't ka ba sakin nagtatanong? Alam mo namang NBSB ako diba? Dun ka dapat magtanong sa kabarkada mo o di kaya kay Nancy. Siya lang naman 'yung may bf na pinakamatagal e!"sabi ko. E sa nakakapikon e. Bakit ba?

"So gusto mong ipagkalat kong one year na kami ni Nicole at kakabreak lang naming dalawa?"direktang tanong sakin ni Cryle.

"ANO!?!?"I shouted. Syempre, kailangang umarteng di ko pa alam na naging sila.

"Tumigil ka nga diyan, Anni. Narinig mo usapan namin ni Nicole. Di bagay sayo mag maang-maangan. Top five ka pa naman."sabi ni Cryle sakin habang nakatingin siya sa librong binabasa niya.

"Huh? Ah eh-"-ako

"Ih oh uh? Kung kotongan kaya kita diyan, no? Huli ka na sa akto, tanga. Wag ka na!"-Cryle

Napangiti naman ako dun. Si Cryle, nakikisagutan na sakin. Hehe, mukhang nakalimutan niya kahit sandali lang 'yung break-up nila ni Nicole.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?! Nasabihan ka na ngang tanga, natuwa ka ba? Boplaks. -,-"saad ni Cryle.

"Wala lang. Natuwa lang ako kasi nakipagsagutan ka sakin. Para bang walang nangyari sainyo ni Nicole kahapon."sabi ko.

"AHA! Sabi na ngang may narinig ka, e! Kunwari ka pa diyan, ha!"ngek. Yun lang pala habol sakin? E kung sapakin ko kaya 'to? Ay wag, broken hearted 'yan, Anneliese. Wag ganyan.

"Oo na. May narinig na. Gagawin mo?"maangas kong tanong sakanya.

"Wala lang."

Ah.. yun lang pala e.

Wala lang.

"WALA LANG!?!? WALA KANG GAGAWIN?!?!"malakas kong sigaw kay Cryle na rinig sa buong floor. Ganun kalakas boses ko. Buti na lang kami lang 'yung tao ngayon sa third floor. Nakakahiya. =_=

"Sakit sa tenga ng sigaw mo, Anni. Nakakarindi."linis ng tenga si Cryle.

"Tse! Pero, wala talaga? Wala kang gagawing masama sakin?"tanong ko.

Napatawa naman si Cryle sakin. "Oo nga. Bakit, gusto mo?"sabay lapit ng mukha niya sakin.

Natulala naman ako sa mga mata niya. Pano ba naman, dark brown pala ang kulay ng mata ni Cryle. Nakakainlove!

Enebe, Anneliese! Lande lande? XD

"O-oy! T-tumigil k-ka ng-nga diyan, Cr-ryle! Sapatusin kita diyan, e!"shet. Bakit ako nautal? Nakakahiya tuloy. Baka kung ano isipin ng lalaking itech.

"Then why are you stuttering?"nakngsiomai. Bakit biglang naging husky 'yung boses niya? Mas sumexy tuloy siya.

Mamaaaaaa! Magkakasala ako ng di oras pag di ako mapigilan. T^T

"Tse!"gamit lahat ng lakas ko, tinulak ko palayo si Cryle mula sakin.

Ang loko?

Mas lalo pa akong pinagtawanan. With matching hawak sa tiyan at palo pa. Psh!

"Uwi na nga lang tayo, Estrella! Five na! Litsi."and ako? Inunahan ko na siya sa gate.

Bahala ka diyan sa buhay mo! Ako na nga 'tong nagpapakabait dahil alam kong may pinagdadaanan ka tapos, pagtatawanan mo lang ako? Ano 'to, joke time?!?!

Bahala ka sa buhay mo, Estrella!!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crazy 4 LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon