Chapter 2:
"Anneliese! Anyare sayo? Okay ka lang?"tanong sakin ni Ericha. Kumakain kasi kami ngayon ng lunch. Dito kami sa room kumakain. Nakakatamad kasing pumunta ng canteen. HAHA.
"Ha? Ah... oo. Okay lang ako."sagot ko and kumain na ako.
Ang tanong, okay nga lang ba talaga ako?
Ang mas nakakaintrigang tanong... Anong nangyari kahapon?
Eto, papakita ko sainyo.
(FLASHBACK STARTS)
Lumabas sa pinto ang pinakainiiwasan kong tao.
And the worst part? He's heartbroken.
Agad-agad akong tumalikod para di niya ako makita. Kaso nga lang, nakita na niya ako. Sadyang mabagal lang talaga ang reflexes ko.
"Anong narinig mo?"he coldly asked me.
"Narinig? Anong ibig mong sabihin? Kakadaan ko lang kaya. Sige, alis na ako, ha? Akyat ka na, kanina ka pa hinahanap ni ma'm e. Start na 'yung review."and umalis na ako.
Shems! Sana di niya halata. Ang bilis ko pa naman magsalita. Ganun kasi ako pag takot or galit e. Sana talaga, di halata. Please... *cross fingers*
(FLASHBACK ENDS)
"Uy Kevs!!!"
Ericha!!! >_<
Ako na nga 'tong umiiwas, mas lalo namang lumalapit. Bwiset!
"Nay!"nasabi ko bang nanay-nanayan ni Cryle si Ericha?
"Nak! Mamaya alagaan mo 'tong si Anneliese, ha? Iwan ko sainyong dalawa 'yung susi. Aalis ako ng maaga e."
So ibig sabihin, kaming dalawa ang maiiwan sa room? Self-study kasi kaming dalawa. May gagawin kasi si ma'm. Bawal kami umuwi, papabantay nga kami sa guard if ever uuwi kami ng maaga.
Bakit ba ang sama sakin ng buhay? T^T
"Ah, yes nay. Wag kang mag-alala. Aalagaan ko 'tong si Anneliese."and tiningnan niya ako. Pero 'yung tingin niya? May ibang meaning e. Huhuhuhu! Ba't ba ang sobrang malas ko?
Tapos biglang pumasok sa room si Nicole. Biglang bumalik sakin 'yung narinig ko kahapon sa secret room. Bakit secret room? Ilang students lang kasi 'yung may alam nun. Ako nadiscover ko 'yung nagtatago ako sa teacher namin sa AP. May di kasi ako napasa e. XD
Pagpasok ni Nicole, kinawayan siya ni Ericha. "Hi Nicole!"
Alam kong pilit lang 'yung ngiting ipinakita niya samin. Bakit? Kasi nga... Nasa tabi namin si Cryle. And, alam niyo naman na kung ano 'yung dahilan diba? Di ko na sasabihin.
Ang ikinagulat ko lalo? Bigla akong hinigit ni Cryle palabas ng room.
"Uy, Cryle! Bakit ba? Anyare sayo? Okay ka lang-"
The unexpected happened. He hugged me.
Pero iba 'yung meaning ng hug.
Ramdam na ramdam kong broken hearted siya.
At di ko iyon ipagkakaila.
"Anni, alam kong may narinig ka. Help me."
And from that moment onwards? Dun ko nalamang, ay! Di ko siya crush.
Hinding hindi ko siya crush.
Kasi mahal ko na pala siya. Matagal na. Ngayon ko lang na-realize.
Totoo pala ang spontaneous moments noh?
Kasi dahil sa isang hug, dun ko lang napagtantong unconcoiusly I'm in love with him.
(A/N: Hello! Sa mga readers ko-if meron man-, this is just a filler chapter. Wag kayong masyadong mainip, ha? Di pa kasi ito 'yung main story. Nag-uumpisa pa lang siya mag-unfold. Kaya hintay hintay na lang, ha? Remember, good things come to those who wait. Thanks! :D)
~kpopisluv