Si Dine po ang nasa gif.. :)
This chapter is dedicated to my dearest friend iaMpnkbear! :D Visit niyo po ang stories niya at profile niya... Kaibiganin at guluhin niyo ang buhay niya para may price kayo sa'kin.
Babala: Ang mga eksenang inyong mababasa ay hindi angkop sa mga batang mambabasa, patnubay ng ate nyong adik sa wattpad ang kailangan. Basta 'wag nyo pong gagayahin ang mga ginagawa ni Jake... UTANG NA LOOB, ayokong maging sanhi ang kaguluhan sa paaralan o bahay nyo.
________________________________________________________________________________
DINE'S POV
"Go Jerome Santana!" Narinig ko ang nakakabinging tili ng mga fans sa taong matagal ko ng lihim na pinagmamasdan.
Talagang hanggang tingin na lang ako sa taong tatlong taon kong hinahangaan. Kung tutuusin pwede ko naman siyang kausapin dahil sa ako ang Student Council President at siya naman ang President ng Chess at Tennis Club pero kahit gaano ako katapang ay natatameme ako kapag kaharap ko na siya. Ano bang meron sa lalaking 'yon at hindi ko siya kayang kausapin? Hindi naman ako mahiyain pero para akong sinaunang dalagang Pilipina na hindi makabasag pinggan kapag nasa harapan ko na siya.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at umalis na sa court kung saan nagprapractice si Jerome ng tennis. Kailangan ko pa kasing asikasuhin ang mga papeles para sa Foundation Week ng school, horror booth ang gagawin ng klase namin dahil sa kaklase namin si Sadako. Hindi ko maiwasan ang mapangiti tuwing naaalala ko kung paano nag-sorry sa kanya ang mga kaklase namin na nambu-bully sa kanya dahil sa sinabi ni Ashley. Hindi naman talaga nakakatakot si Serenity, aka Sadako, sa totoo nga niyan ay nakakaawa siya dahil simula first year ay kinatakutan na siya ng lahat ng mga estudyante at guro dahil sa marami sa mga ito ang nakakita na lumabas siya galing sa balon. Buti na lang nakilala niya sina Railey at Ashley kaya nagkaroon siya ng mga kaibigan.
Habang naglalakad papunta sa Student Council ay nakita ko naman si Angela, ang kaklase ko na sobrang tahimik na may pagkanerd pero hindi naman siya panget, kung matututo lang siyang mag ayos ay sigurado akong lalabas din ang kagandahan niya. Maraming beses ko nang nakita na kasama niya ni Jerome at madalas ko ding mapansin na iba ang tingin nito sa kanya lalo na kapag naglalaro sila ng chess. Haizt! T_T Naiinggit talaga ako sa kanya... Kung pwede ko lang sanang makausap si Jerome kagaya niya at makalaro ito ng chess kagaya ng ginagawa nila e siguradong swak na swak na ako! As in pwede na akong mamatay sa kaligayahan!! /(*o*)/
(A/N: Kung gusto n'yo pong malaman ang story nina Angela at Jerome, search niyo lang po ang Game of Love ni iaMpinkbear... Promise maganda ang gawa ni GF, bigyan ko kayo ng teaser. What if everytime na maglalaro kayo ay sarili nyo ang nakapusta? The winner will tell the loser what to do and the loser will have to follow the winner's order. Nice di ba? Read her story to find out kung anu-ano ang ipapagawa ni Jerome kay Angela *out*)
"Angela!"
Teka pamilyar sa'kin ang boses na yun!
Agad akong lumingon at nakita kong si Jerome nga ang tumawag dito. Nakakainis naman, bakit ba ako nagseselos? >.<
Tumingin lang sa kanya si Angela at muling ibinaling ang atensyon sa libro. Ok, kung ako ang nasa posisyon niya eh baka bukas ang dalawa kong palad na tinawag ang pangalan ni Jerome. Yung tipong parang nasa anime na tumatakbo para yakapin ang lalaking matagal kong hindi nakita tapos kumikinang pa ang mga mata!(~*o*)~ (^_^)v
Angela, bakit ba hindi mo siya maappreciate? (--.+)
Para akong tanga, kagat-kagat ko ang puting panyo habang nagtatago sa puno na pinapanood sila.
BINABASA MO ANG
My Knight In Shining Armor[ON HOLD]
RomanceSimpleng estudyante lang si Dine ngunit nagbago ang lahat ng makilala niya si Jake, ang gwapong lalaking walang emosyon na tumulong sa kanya nung may nagnakaw ng bag niya. Sinabi nitong nasa panganib daw ang buhay niya at ito ang ipinadala ng ama ni...