pChapter Two: My Chaotic Life With Him

118 2 0
                                    

DINE'S POV

Nakakabwisit talaga si Jake! Ayan tuloy nilalamig ako dahil sa kalokohan niya! Nagdadabog akong lumabas ng CR pagkatapos maglabas ng sama ng loob at siya pa ang unang taong nakita ko.

"Hachuuuuu!" Bumabahing na ko, ayoko na!

Walang buhay siyang tumingin sa'kin. "Magpalit ka na ng damit para hindi ka magkasakit."

Asus nagsalita, eh siya nga din basang basa! Pero tinanggal niya yung shirt niya kaya naman expose yung upper extremities niya. Maganda yung built ng katawan niya, halatang na-form yung muscle niya dahil sa mga ginagawa niya sa Mindanao, meron din siyang six-pack abs, pero ang pinakanapansin ko ay ang mga scars niya sa katawan, marami iyon, marahil ay dahil sa hindi na mabilang ang pagkakataon na muntik na siyang namatay. Pero teka, bakit parang nahihirapan siyang magsalita? Hindi kaya naaakit siya sa wet look ko? Wow ha, ang lakas talaga ng charisma ko!

Eh bakit si Jerome ni hindi manlang ako tinitignan? Kung sa bagay, iisang tao lang naman talaga ang nakikita niya, kapag kasi may laman na ang puso ng isang tao, nagiging bulag na siya sa lahat ng tao sa paligid niya at ang taong mahal niya lamang ang nagsisilbing liwanag niya. Ganon kasimple, depende sa liwanag mo kung gagabayan ka niya sa kadilimang kinalalagyan mo o kung hahayaan ka niya tuluyang mawalan ng liwanag at madapa.

Teka, bakit ba ang drama ko? Akala ko ba comedy ang genre ng story na to?!

Anyway napansin kong hawak niya yung braso niya na tinamaan ng pana, so yun pala ang dahilan kung bakit nahihirapang magsalita ang walang emosyong lalaking 'to, he was hurting all along.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang gilid ng braso niya, he seemed startled with my actions pero as usual blank expression na naman siya.

"Anong ginagawa mo?" Tanong niya dahil tinatanggal ko yung tali sa sugat niya.

"Sshhh... Wag kang magulo, iche-check ko lang."

Hinawakan niya ang noo ko at bahagyang itinulak ako palayo sa kanya.

"Tigilan mo nga ako!" Bakit ganon, galit na siya pero wala pa ding buhay ang pagsasalita niya?

Nilakasan niya yung force ng pagtulak sa noo ko, hinawakan ko naman ng mahigpit yung braso niya para hindi ako mapalayo sa kanya, syempre hindi ako papatalo no! Ang bait ko nga kasi inaalala ko yung sugat niya eh, kahit kasi nalinis ko na yun kanina hindi pa din ako sure na ligtas na siya kasi paano kung nilagyan ng lason ni David yung palaso? Mukhang tuso pa naman yung taong yun.

"Lumayo ka nga sa'kin!"

"Hindi!"

This time malakas na talaga yung pagkakatulak niya sa'kin, at lalo ko namang hinigpitan ang pagkakakakapit ko sa braso niya kaya...

Blag!

Eh? B-bakit naging ganito ang sitwasyon namin?

Dahil sa sobrang pagtulak niya sa'kin ay na-out of balance ako at dahil sa mahigpit na pagkakahawak ko sa kanya ay nakasama din siyang na-out of balance, so ngayon nakahiga ako sa sahig tapos nasa itaas ko siya... Malapit din ang mukha namin sa isa't isa kaya naman lalo kong natitigan ang mapula niyang mga labi, sobrang tangos din ng ilong niya at nakakatunaw ang mga mata niya na tila ba kinakausap ako. I could feel his warm body pressed against my icy cold skin. My cheeks were now burning, our situation was really awkward but I didn't have the strength to get away from here, it felt like I was being magnetted by his beauty. Para bang tumigil ang mundo naming dalawa, ewan! Ang weird talaga!

No, it's not weird, it was just heart-racing situation wherein I could no longer breathe.

Tinitigan niya ako with his usual expressionless face tsaka siya tumayo at inalalayan ako.

My Knight In Shining Armor[ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon