Bigti2:

309 7 0
                                    





Hindi ko alam kung papaano at bakit niya nagawa iyon. Ang mga nakapinid na labi ay unti-unting ngumiti kasabay ng pagbagsak ng aking mga luha. Ang daya!

Mag-isa siyang naninirahan sa kanilang bahay. Up and down iyon dahil ang ina ay nakapag-asawa ng Australiano at pauwi na ng Pilipinas upang lakarin naman ang kaniyang papeles para dalhin na siya ngunit wala nang Leo na makakapunta pa ng Australia dahil pinutol na niya. Pinutol na niya ang buhay niya at ang masaya sanang pagbabalik bayan ng ina ay siyang huling paalam na sa guwapong anak.

Maging ang mga barkada ay walang alam kung bakit at papaano nito nagawa iyon. Isa sa barkada niya ang tumawag rito dahil may laro sila ng hapong iyon. Malaki ang pagtataka nila dahil mula umaga ay wala itong paramdam at nang puntahan ito ng isa sa kabarkada nito ay maging sa bahay ay walang tugon buhat rito.

Maging ang ilang kapitbahay ay nagtataka na kung bakit walang Leo na lumalabas at doon ay isang pasya ang ginawa ng matalik nitong kaibigang lalaki. Pilit nitong inakyat ang mataas na bakod ng bahay nito at labis ang takot nang makitang sa silid ng kaibigan ay naroroon at nakabigti si Leo habang nasa harap ang laptop nito. Bukas pa ang skype nito ngunit wala nang pulso ito.

Walang nakakaalam kung ano ang nagtulak rito at nagawa ang bahay na iyon ngunit isa lang ang naglalaro sa isip ko ng panahong iyon. Maaring dahil kay Abby. Si Abby na siyang minahal niya ng labis. Ang babaeng pinangako ang langit at lupa pero milya lang ang layo ay nag-iba na. Si Abby. Sana inisip niyang marami pang Abby na darating, sana ay buhay pa siya.

Ano nga ba ang katutuhanan sa likod ng kaniyang ginawa.

———>

Bigti(Maikling Kuwento)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon