Bigti3:

336 10 3
                                    




Napakabilis ng mga pangyayari. Akala ko ay sa pelikula lamang nangyayari ang ganitong eksena. Hindi ko inaasahan at ang masaklap na katotohanan ay namatay siya dahil sa pag-ibig. Pag-ibig sa babaeng kasamang nangarap, pag-ibig sa babaeng siyang sisira rin pala sa kaniya.

Muling sumilay ang ngiti sa aking labi kasabay ng pagbagsak ng balon ng luha sa aking mata. Malabo man ang aking mata ngunit nababasa ko ang pangalan nito sa itaas ng puting kabaong nito. Leonardo, iyon ang totoong pangalan niya. Leonardo pero ayaw na ayaw nitong tinatawag siya sa totoo nitong pangalan dahil pang matanda raw. He died at the age of twenty.

Habang inihahakbang ko ang aking mga paa patungo sa puting-puti nitong kabaong ay unti-unting sumisilip sa aking isipan ang dahilan ng kaniyang kamatayan. Si Abby, ang mahal niyang si Abby. Anibersaryo nila ni Abby at sa araw ding iyon ay nakipagkalas si Abby sa kaniya dahil may iba na itong mahal. Hindi matanggap ni Leo ang ginawang iyon ni Abby kaya nagmakaawa siya rito. Sa messenger, sa yahoomail at sa skype. Sa pagkakataong iyon ay nakausap niya si Abby via skype at sa muling pagkakataon ay nagmakaawa rito na balikan siya.

And he start begging her and threatened that he will commit suicide. Ang buong akala ni Abby ay nagbibiro lamang siya at hindi nito magagawa ang sinasabi nito. Natatawa pa ito ng makitang inihahanda na ni Leo ang upuan maging ang taling gagamitin nito. Kasabay ng tanong nito kung babalikan pa ba siya nito. Dahil hindi inaakalang tototohanin ni Leo ay nagawa pa ngang umalis upang magtimpla ng kape nito ngunit pagbalik nito ay nakitang nakabigti na si Leo at sa takot ay pinatay na nito ang tawag.


Hanggang sa huling hininga nito ay walang ibang inisip kundi si Abby. Minsan naisip ko, sana ako na lang. Kung maaari lamang turuan ang puso na sana sinabi kong pag-aralan na lamang niya akong mahalin. Siguro ay hindi nito mararanasan ang ganoong sakit ng mawalan. Maaaring isa pa sa nakadagdag ay ang kadahilanang nag-isa lamang siyang namumuhay. Walang ibang makakausap at naghinayang ako dahil naging abala ako noong panahong kailangan pala niya ng isang katulad ko.

Habang nakatanaw sa guwapong mukha nito ay muling nanariwa ang mga alaalang pinagsamahan namin. Hindi ko alam na ganoon pala ito kalalim magmahal na sinayang lang ng isang Abby. Sayang. Sayang.

Kung pwede ko lang hilain ang oras ay ibabalik ko iyon. Ibabalik ko ang panahong maayos pa ito at nakakangiti. Iyong panahong masayang nakikipagkuwentuhan ito sa mga kabarkada at masayang kasama habang kumakain ng fishball sa silong ng aratelis. Kaya lang hindi na maaaring ibalik.

I was just married August last year at masaya na ako dahil nakilala ko na ang lalaking laan para sa akin. Muling nanariwa ang alaala ng kahapon ng buksan ko ang aking inbox at nagsend ng aking asawa ng isang Nametest. Familiar ba kayo rito sa fb kung saan ginagawang katuwaan na hulaan ang iyong kapalaran depende sa kung ano ang nais niyo.

Naalala ko noong unang ginamit ko ito. Kung saan malalaman mo ang magiging sanhi ng iyong kamatayan. Katuwaan pero naging dahilan iyon upang makalkal ang isang damdaming matagal ko nang binaon. Sinabi kasi roon na ang sanhi ng aking kamatayan ay NASAWI SA PAG-IBIG. Isang bagay na muling nagpaalala sa akin kay Leo.

Ilang beses kong inisip kung iki-click ko ba ang link na pinasa sa akin ng aking asawa sa Nametest. Sabi kasi roon is kung sino ang nilalaman ng iyong puso sa 2019. Masasabi kong mahal na mahal ko ang aking asawa at malamang sa malamang ay siya ang lalabas pero sa kaibuturan ng aking puso naroroon ang puwang na para kay Leo.

Hanggang ngayon ay hindi ko maiwasang umiyak sa tuwing naaalala ko siya. Sa mga balitang aking napapanood at naririnig kung kawangis nito ay hindi ko maiwasang tumulo ang luha ko. Hindi ko alam na ganoon din pala kalalim ang iniwan ni Leo sa akin.

Sa huling balita ko kay Abby ay nakabalik na ito sa Pilipinas at may dalawang anak na. At kay Leo, sana ay masaya ka na sa pinili mong kalagyan. Hangad ko sanang napalaya mo ang iyong sarili sa isang makasariling pagmamahal. May your soul rest in peace. I love you, my best friend.

----

Too much love will kill you, ayon sa kanta. Totoo pala. Sana ay sa kuwentong ito ng aking mahal na kaibigan ay nabigyan kayo ng aral kahit alam kong nakakalungkot. Maging ako, habang tinitipa ko ito ay tumutulo ang luha ko. Masakit at mabigat kahit isang dekada na ang lumipas. Salamat kahit papaano ay nailabas ko ang isa sa mga bagay na dinadala ko sa aking dibdib.

Bigti(Maikling Kuwento)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon