(#6) Heleeeen123 :)

273 4 4
                                    

[TANONG]:

Prof. pag-ibig tanong lang po. ano bang gagawin mo pag nakikita mo yung dati mong minamahal at nakakasalubong mo? at di maiwasan na tuksuhin pa rin kayo gayong alam kong bitter pa rin?

[Prof. I_Heart_Princess122]:

Sino ang bitter? Ikaw o yung isa? Normal lang naman ang asarin kayong dalawa lalo na't alam na naging kayo, there's nothing wrong with that naman eh. It happens all the time.

The problem is kapag niloloko kayong dalawa and may kakaiba ka pang nararamdaman. Bakit mo ito nararamdaman?

Maaaring natutuwa ka. Dahil gusto mong inaasar ka na may inililink sayo? Or kasi talagang wala na lang sa iyo yung nakaraan kaya nagagawa mo nang tumawa sa mga pagbibiro nila?

O kaya naman ay naiinis ka. Dahil ba sa ayaw mong inaasar ka? O dahil sa hindi mo maiwasang balikan ang inyong nakaraan? Masakit pa rin ba? Nagagalit ka? Nagsisisi? Kaibig-ibig, kung ito ang isa sa mga nararamdaman mo, ibig sabihin ay bitter ka pa rin, at hindi pa rin tuluyang makapag-move on.

Hindi naman talaga madaling mag-move on. Lalo na kung iisang mundo lang ang inyong ginagalawan. (same friends, same environment, work, etc.) Kaya lang kung minsan ay kailangan nating itago ang ating mga nararamdaman di dahil sa nagpapakaplastik tayo kundi upang tulungan ang bawat isa na tuluyan nang makapag-move on. Kung wala na talagang nararamdaman ay huwag nang pumatol sa mga pang-aasar para maiwasan natin ang pagpapadala ng mga maling signal.

Share lang ako ng isang quote sa inyo. 
"Sabi nila kung tunay daw kayong nagmahalan hindi daw talaga kayo makakapag-move on. Kung makapag-move on man, it's either you did not love each other enough or were not in love at all." 

Sana ay nakatulong sa iyo. Maraming salamat sa pagtangkilik and keep on posting! (.n_n.)

Love Problem? Open~!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon