(#12) Yellow

128 1 0
                                    

Dearest Yellow,

Unang-una sa lahat ay good morning sa iyo! Nakakatuwa naman dahil ikaw ay sumulat and I really admire you for your trust na magtanong. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang matulungan ka. Asahan mo na walang makakaalam na ikaw ang sumulat ng letter na ito.

Regarding your concern sa pag-ibig:

Paanong gusto ka pa nya? Ibig sabihin ba ay naging kayo na noon o hindi pa? Magtanong ka. Alamin mo na once and for all. Para hindi ka na naprapraning. Para hindi ka na naghihintay. Para hindi ka na umaasa.

Mahirap magtanong kasi minsan, sa ating pagtatanong ay nasisira/ nawawala ang mga bagay na pinanghahawakan natin. Sa ating paghahanap ng katotohanan, minsan ay hindi tayo handang tanggapin ito. Kaya nga minsan ay mayroon tayong mga regrets na sana ay hindi nalang natin tinanong para hindi tayo nasasaktan ngayon.

On the other hand, paano kung tama ang mga hinala mo? Paano kung sa gagawin mong pagtatanong, mawala na ang lahat ng iyong mga agam-agam? Alam kong nakakatakot kaibig-ibig, pero hanggang kailan mo pagtitiisan ang araw-araw nanghuhula? Ikaw ba'y ipinanganak na manghuhula? Therefore, kung ayaw mong mahirapan kakaisip ay itanong mo na sa kanya ONCE AND FOR ALL!

The Truth hurts. A lot kung minsan. Yun ba ang reason kung bakit itinatago natin ito? Kung bakit ayaw natin itong malaman? Pero lagi nating tatandaan ang totoong pag-ibig ay nakaugat sa katotohanan, hindi sa kasinungalingan.

Sana ay nakatulong kaibig-ibig. Salamat at keep on posting! (.n_n.)

Lubos na nagmamahal,

Love Problem? Open~!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon