(#10) Miss C

152 2 0
                                    

Dearest Mr. C,

Unang-una sa lahat ay good morning sa iyo! Nakakatuwa naman dahil ikaw ang pangalawang letter sender and I really admire you for your trust na magtanong. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang matulungan ka sa iyong love problem. Asahan mo na walang makakaalam na ikaw ang sumulat ng letter na ito.

Regarding your concern sa pag-ibig:

Paanong nagbigay ng motibo? Ano ba ang ginawa niya para masabi mong nagbigay siya ng motibo sayo? Pinaasa ka lang ba niya?

Hindi ko alam kung paano ito sasabihin sa iyo ng hindi ko nasasagasaan ang iyong nararamdaman, pero sa tingin ko ay may malalim na dahilan kung bakit ka niya pinatitigil. Siguro nung time na nagbigay siya ng "motibo" sayo ay gusto talaga niyang mahalin mo siya. (bakit siya magbibigay ng motibo diba? Not unless malandi siya.)

Pwede rin namang mahal ka niya pero bumabalik-balik pa rin yung past niya at hindi pa niya talaga magawang totally na iwan ito. Mahirap yun. Kasi hindi naman niya sinasadyang maipit sa inyong dalawa. In the process, nasasaktan ka niya, kahit na hindi niya sinasadya. 

I suggest to give her time. Siguro kailangan lang talaga niya ng panahon para maayos niya ang kanyang sarili. Para magawa niyang iwan at tapusin ang mga dapat na isaayos bago siya muling bumalik sayo. Kung nagmamahal ka naman talaga ay magagawa mong maghintay diba?

Medyo komplikado talaga ang pag-ibig minsan kaibig-ibig. Minsan ay hindi mo talaga maintindihan. Parang weather forecast. Pabago-bago. Ang mahalaga ay alam natin at sigurado tayo sa ating nararamdaman, at lagi nating iniisip ang mas makabubuti para sa ating minamahal.

Sana nakatulong kahit papaano ang aking pagsagot sa iyong love problem. Ingat ka lagi and Stay in love kaibig-ibig! Sulat ka ulit! (.n_n.)

Lubos na nagmamahal,

I_Heart_Princess

Love Problem? Open~!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon