"Your mind may forget it. But your heart always remember whom you truly love."
—Kachenahan ng author-
Venice's POV
Naalimpungatan ako dahil sa ingay na nagmumula sa aking bed side table. Ugh! Yung alarm clock. Dali dali ko 'tong pinatay at bumangon na.
"Good morning world!" sabi ko. I'll start this day with a smile para good vibes kaya dali dali akong ngumiti ng matamis. Pero deep inside naiirita ako dahil gusto ko pang matulog. Nakakatamad kaya!
Pumunta na 'ko sa banyo at sinimulan ko na ang morning rituals ko bago pa magbago ang isip ko at tumalon ulit sa kama.
Argh! First day ko ngayon bilang 4th year college. Business management ang course ko dahil 'pag naka graduate na ko ako na ang mag mamanage ng company. Sa ayaw ko man at gusto, ako ang maamanage balang araw dahil only child lang ako. Hays, pero gusto ko talagang maging fashion designer. Actually lahat ng damit ko eh ako yung nagdesign.
Pagkatapos kong gawin lahat as in lahat lahat ay bumaba na ako.
I greeted my mom as soon na nakababa ako.
"Mom, I'll go na. Sa school nalang po ako mag bebreakfast." I kissed her cheeks at pumunta na sa garage. Pumunta na ko sa kotse ko and started driving..
-
Pinark ko na ang kotse ko sa parking lot nitong school at pumunta muna ko sa malapit na cafe. Napag kasunduan namin ng mga kaibigan ko na dun nalang magkita-kita. Yes may bestfriends ako. Si Arky at si Kitty.
Actually Kitty is a certified gay!! And also... he's super duper handsome!! At Kit talaga ang name n'ya hahaha. Daming alam, may pakitty kitty pang nalalaman hahhah—
*Booggssh*
Putahamnida! Ang daldal ko kasi eh. Sumalpok tuloy sa wall hayss. Kinapa ko ang wall, WTF! Ba't baku bako? And then realization hit me... Abs pala yung nahawakan ko. OMFG!! Bigla akong napaatras.
"Enjoying what you touch?" Oh my fucking goodness! Napataas ako ng tingin sa inaakala kung wall. Arghh! Ang tanga ko!!
Ibubuka ko na sana ang bibig ko para sermunin siya. Ngunit di ko na natuloy nung bigla niya kong hinigit at yakapin ng mahigpit. He bursts out crying.
My heart began beating fast... so fast that I can't take it anymore. I feel like hugging him too. So I did what my heart's wanted to do.
Sino ba tong taong 'to? My mind says that he's just a stranger taliwas ng sinasabi ng puso ko. Because my heart says na kilalang kilala ko siya. Bumitaw na siya sa pagkakayap sa'kin.
"Ava, I'm really sorry with what I did." he said with sincerity in his voice.
"Hmm, I'm sorry but.. do I know you?" I said to him with curiosity written all over my face. Pinakatignan kong mabuti ang kanyang mukha. He's really familiar. Maybe, kilala ko nga siya talaga.
Sasagot na sana siya nung bigla na lamang akong hinigit ng mga kaibagan ko. Kinurot pa ni Kitty yung tagiliran ko. Hayss, kinikilig na naman yan for sure. Nakakita na naman ng gwapo eh.
"Erm, besh eng gwepe ne keye." malanding bulong ni Kitty. Siniko ko nga ng manahimik!! Hahaha.
Nanlulumo na tinignan kami ni Kuyang stranger. Tumalikod na lang siya bigla at umalis na papalayo.
What the hell did I do?
Bumaba na lamang ang tingin ko sa sahig at may nakitang isang panyo. Kay kuyang stranger siguro ito. Pinulot ko ito at ibinulsa. Alam ko na magkikita pa kami.
"Kilala mo ba yung kuyang pogi besh?" Kinikilig na sabi ni Arky. Kita mo to! Nahawa na kay Kitty. *sigh*
"Girls tara na nga, malalate na tayo oh!" sabi ko nalang para tantanan na nila ko.
Tumalikod na ko sa kanila at nauna ng pumunta sa campus. Susunod naman sila eh.
Kinuha ko yung panyo ni kuyang stranger. Hmm, inamoy ko ito. Infairness... mabango hahaha shet. Nababaliw na naman ako! Napansin kong may naka engraved na initials sa panyo.
A.K.A. ♥ A.V.A
Hmm, sounds really familiar.
BINABASA MO ANG
It Was You
Teen FictionI'm so shocked... when I saw him. It's HIM. The man I saw in my dreams. The man who hurts me.The man who left me. The man who let go of me. And the man whom I loved the most no matter what... But it is all in my dreams. But how come, that he is her...