kabanata 1

15 4 0
                                    

"How's your day, Hope?"

Tanong ni mama sa kabilang linya.

Napatahimik ako ng ilang sandali upang pigilin ang pag hikbi.

"Ma!!!! Mama!! Ayoko na! Babalik na ako sa bahay." Sigaw ko sa kabilang linya.

Pinag bakasyon ako ni mama sa San Vicente. Probinsya nila ni papa. Ang daya hindi manlang sinama yung iba kong pinsan, Kami lang ni John ang nandito.

"Ano bang ginagawa mo diya palagi?" Natatawang tanong ni mama.

"Naghuhugas ako ng pinggan mama! Ayoko na! Lalayas ako dito bahala ka! Hindi ko isasama si John ang sarap ng buhay niya dito." Mangiyak ngiyak kong boses.

"Paghuhugas lang naman ang ginagawa mo ah! Mahirap ba iyon?"

"Walang internet dito! Walang couch! Walang soft bed at walang masarap na ulam! Ayoko ko na Mama! Tatawagan ko si papa para sumundo sakin." Pinal na desisyon ko.

"Tapos matutulog ka sa garahe" pinal na saad ni mama.

Umirap ako sa kawalan at pinunasan ang luha sa pisngi. Sinumbong ko lahat ng mga bagay na mali dito sa bahay nila lola. Wala silang kuryente sa umaga. Tapos iilaw lang sa gabi and the time is limited, 'till 10 pm lang. Walang gripo! Kailangang umigib pa. Walang masarap na ulam. Wala man lang Jollibee or Mang Inasal. Or kahit manlang 7/11. Wala!

Ang meron lang dito ay mga manok na ang iingay! Mga gulay! Ew! Tapos kahapon yung agahan namin kamote? First time kong mag breakfast ng kamote! Nasusuka ako pero pinigilan ko lang kasi baka magalit si lola sakin. Ughh! Basta nakakainis dito! Ayoko na!

Tsk! Tsk! Tsk!

Sumigaw ako ng malakas upang mailabas ang nag-uumapaw na inis.

"Hoy ate matulog ka nga! Ang ingay mo. Isusumbong kita kay lola bukas humanda ka" sipat sakin ni John.

"Epal!" Tinadyakan ko siya at pinatay na ang ilaw para matulog na kami.

"Walang aircon! Walang milk before bed. Walang Wifi! Wala lahat! Sinumpa ata ang lugar na ito!" Bulong bulong ko bago matulog.

"Sinumpa ah! Sana dito ka makahanap ng mapapangasawa mo! Napaka arte mo!" Narinig kong sabi ni John.

Kinuha ko sa kanya ang unan niya. Napaka bastos na bata! Matulog kang walang unan ngayon.

Tinigil ko ang kakaisip sa mga bagay na wala dito sa San Vicente. Ang alam ko lang ay hindi ako mabubuhay dito. Hindi ako titira dito. Hinding hindi! mamatay man si John hindi ako titira dito.

"Mga Palangga gising na" isang sigaw ang narinig ko sa labas.

"Gusto niyo bang sumama sa pisak?"

Kinamot ko ang ulo ko at pinulupot ang unan sa mukha. Ang ingay! Ang ingay! Magpatulog naman please.

Naramdaman ko na may sumipa sa tagiliran ko. Ouch!

"Aray!" Sigaw ko at agad na tumayo upang sunggaban ang epal na si John.

"Prinsesa handa na ang breakfast mo. Kain kana at we'll go to pisak after." Mataray na boses ni John.

"Bwesit! Ano naman kinalaman ko sa pisak na yan at hindi ko yan kilala." Pagtataray ko rin sa kanya.

"Tanga! Maliligo tayo dun! Yan kasi puro pagtwitwitter at pag Yo-Youtube lang ang alam.!"

Minsan talaga sa buhay nating mga ate may epal na kapatid. Nakakabwesit na nga! Dada pa ng dada!

"Pake mo?!" Tinarayan ko siya at hindi na pinansin ang kaepalan niya.

"What's our biand lola?"

Tears In Heaven ( Villaflor Dames #1 )Where stories live. Discover now