kabanata 2

9 3 0
                                    

       

  Sumabog ang mahaba kong buhok habang mabilis na hinahabol ang napaka supladong lalaki sa school namin.

"Oy wait lang" hingal kong sigaw sa kanya.

Ang bilis niyang maglakad! sa hahaba ba naman ng biyas nito. nakita ko siyang pumasok sa loob ng library. Buti nala at tapos na ang klase namin at chance ko na ito para magpapansin sa kanya.

"Uhm.. ako pala ang napiling representative ng section namin para bukas sa science quiz bee" bulong ko sa kanya habang busy siya sa pagpili ng science book.

Nagrepresenta talaga ako na ako ang sumali sa section namin dahil alam kong sasali rin siya. Ofcourse he'd join this activity 'coz it's his favorite subject.

Tanging malamig na tingin  ang binigay niya sakin at pinag patuloy ang pag hahanap ng rereview-hin.

"Gusto ko sabay tayong mag review para ganahan ako" sabi ko sa kanya habang nakangiti.

Wala akong sagot na natanggap sa kanya.

"I promise I'll win tomorrow" walang hiya hiya kong pag proklama.

Kailangan kong mag review dahil ayokong mapahiya. Napaka talino pa namam nito.

"Gusto ko sanang makuha ang 1st place pero ayoko namang agawan ka. Kaya sa 2nd place nalang ako."

May kinuha siyang isang libro na hindi naman makapal at naglakad na papuntang table area.  Ako naman ay kumuha nalang ng science book. kahit hindi ko tingnan magpapaturo lang naman ako sa lalaking ito.

Tatlong libro na makapal ang linapag ko sa harapan niya at umupo. Busy na siya sa pagscan ngayon.

"Hmmm ano kaya ang magandang unahin dito Emphraim?" Inilahad ko sa kanya ang malalaking libro na medyo maalikabok na dahil siguro sa may katandaan narin.

"Ito kayang life Science or itong is-" natigil ako sa sasabihin ko nang ibinigay niya sakin yong sign na "silent"

Napaka suplado naman nito kahit isang turo lang ng kamay okay na sakin yun.

"So itong physical Science nalang siguro" sabi ko na may bahid ng pagkahiya.

Tumigin ako sa kanya at laking gulat ko dahil itinigil na niya ang pag-babasa at ang atensiyon ay nasaakin na.

"Hindi ka ba nahihiya na nakakaabala ka ng ibang tao?"

Simpleng salita ngunit parang karayom kong makatusok sa dibdib ko. Alam ko naman na ganun talaga ang ugali niya. Sasabihin talaga niya kong ano ang gusto niyang sabihin.

"Hehe... hindi naman ata ako nakaka-abala dito. Hindi naman ako maingay.. ata?... diba? Nagtatanong lang. Eh kung turuan mo nalang kaya ako?"

Alam kong nakakahiya na talaga. Pakapalan nalang ng mukha ito pero hindi ako aalis habang hindi niya ako napapagbigyan sa kagustohan ko.

"I can't believe it" isang boses na napaka rahan ngunit nananaig ang pagkadesmaya sa tono niya.

Gabi na ng umuwi ako. Nakarating ako sa bahay ng hindi matanggal ang mga ngiti sa aking labi. Napaka saya ko.

Natapos ko ang pagrereview at alam kong may maisasagot ako tomorrow. At papatunayan ko sa kanya na karapat-dapat niya along magustohan.

Hindi man niya ako tinuruan kanina atleast nagkausap na kami. Iyon palang ata ang pinaka mahabang usapan na naganap samin. Nang sinabi niyang hindi siya makapaniwala ay umalis na siya ngunit iniwan niya yung librong binabasa siya at yon yung reneview ko. Kaya handang handa na ako para sa quiz bee.

Tears In Heaven ( Villaflor Dames #1 )Where stories live. Discover now