PROLOGUE

37 1 0
                                    

THE BROKENHEARTED TUTOR BY:
LEINATHANIOSIARAP

FIRST CRUSH!

Naniniwala ba kayo sa Love at first sight. Actually, pag ako ang tatanungin. Di naman masyado! Pero naniwala ako non nung nakita ko si Vince. Full name ay Prince Vince Mendez. Diba pangalan palang maiinlove ka na?

Bago ko ito itutuloy ay magpapakilala muna ako. I'm Abigail Mae Alcantara. High school na ako. Yeah, tama ang narinig nyo. Hindi gaanong matalino pero nagtututor rin ako. Syempre para sa panggastos sa bahay. Hindi kami mayaman at hindi kami mahirap. Sakto lang pero marami ring pangangailangan. Anyways, let's go back to my Prince.

Elementary palang ako crush ko na sya. Gwapo, syempre ubod ng talino. Mabait.. Ewan ko ba kung bakit na in love ako sa isang to! Grabe kasi syang magcare sa mga babae. Mapagkakamalan mo ng bakla. Pero hindi sya bakla ah. Pure lalaki. Oh diba? Syempre classmate ko to noon pero never naging seatmeat. Lupeeeet! Kinakabahan kasi ako pag nakikita ako. Natataranta talaga ako. Parang di nya ako type?

[A/N:Huwaaaaw Advance Mag-isip? Pano kung gusto ka nya?]

Teka nga muna! Sinisira mo narration ko eh.

[A/N: FINE!]

Back to the topic!

Alam nyo bang hindi ko pa sya nakakausap hanggang sa nag graduate kami ng elementarya?
Ang ibig Kong sabihin ay yung matinong pag-uusap! Alam nyo na. Simula nun sya na naging crush at laman ng utak ko.

Masaklap nga lang kasi hindi ko na sya makikita ulit. Alam nyo kung bakit? Lilipat na sila sa ibang bansa. Doon na daw sya magkocontinue sa mga studies nya.

Nag high school ako na hindi sya nakikita! Pero nasa isip ko lang sya at hindi kakalimutan. Hirap kaya nyang kalimutan. He's my first crush. Pero alam ko namang hindi ko sya kayang abutin. Gamit ang Facebook ay nakapagstalk ako sa kanya! Hanggang sa nakita kong may post sya na may kasamang iba. OUCH! maganda din. Oo aaminin ko maganda sya pero dapat ako lang ang maganda sa estoryang ito.

Dahil sa picture na yun ay itinigil ko na ang pag follow, pag like, pagstalk sa kanya. Ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa iba.

Hanggang sa nakilala ko ang nalalaking nagpatibok sa aking puso. Sya si Bryan Cruz. First Boyfriend ko to. Tatanungin nyo ba ako kung First kiss ko sya?

Sana! Hindi ko alam! Hindi pa nya ako nahahalikan eh. Hindi kasi ako basta basta nahahalikan.
Sensitive kasi tong bida nyo! Malapit na kaming mag 1 year. Sinagot ko kasi sya noong last FEBRUARY 14, 2018.

The Brokenhearted TutorWhere stories live. Discover now