"Jun may gusto ka bang ipabili?" Tanong ni Wonwoo "Ah wala, nakakahiya na sa inyo ni gyu" sabi ko, anim na buwan na ang lumipas at anim na buwan na rin na walang paramdam si Minghao, oha lupet niya diba?
"Kapag may kailangan ka sabihin mo lang hah? Andito lang kami ni gyu" sabi niya at tinanguan ko na lang siya. Nagring yung phone ko sa tabi ko.
Calling: 09*********
Number to ni Minghao ah? Ano nanaman bang kailangan neto? At buti naman may balak pa siya.
"Hello? Eto ba si Junhui?"
Teka boses ni tita Xu yun ah?
"Eto nga po"
"Totoo bang buntis ka at si Minghao ang ama?"
"Sino po nagsabi sa inyo?"
"Nabasa ko kasi yung convo niyong dalawa"
"Opo buntis ako at si Minghao nga po ang ama"
"Bakit hindi mo sinabi sakin? Sana natulungan ko kayo"
"Hindi na po, hindi rin naman po kami tanggap ni Minghao"
"Sinabi niya yon?!"
"O-opo..."
"Dapat gawin niya ang responsibilidad niya sayo!"
"Ayos lang po ako"
"Hindi ayos yon, pasensya na kung ngayon ko lang nalaman ang tungkol dito"
"Ayos lang po hayaan niyo na po si Hao anim na buwan na rin po ang lumipas, nakamove on na po ako sa kanya..."
"Pe-pero...."
/Call Ended/
Napaiyak na lang ako at wala sa sariling katinuan, sa totoo lang hindi pa ko nakakamove on sa kanya first love ko yon eh mahirap magmove on sa taong minahal mo ng lubos pero kahit kelan hindi ka tinanggap sobrang sakit nun bes, hayaan mo na lilipas din to dadating din ang araw na makakalimutan ko din siya.
****************
"I'm very sorry to say-" dinilat ko ang mga mata ko, bakit ako nasa ospital? "Jun! Salamat at gising ka na din" tuwang sambit ni Mingyu "Anong ginagawa ko dito?" Tanong ko at nagtinginan ang dalawa.
"Ah kasi.... kasi nahimatay ka kanina" sabi ni Wonwoo, kitang kita sa mata niya na nagsisinungaling lang siya pero sana hindi maapektuhan ang bibi namin.
"Bukas pwede ka nang umuwi at magpahinga ka pagka-uwi natin ah?" Sabi ni Wonwoo at tumango na lang ako.
YOU ARE READING
Tatay Myeongho || JunHao ff.
Fiksi Penggemar"Hindi na 'ko magtatagal dito sa mundo" 01/22/19