TRIGGER'S POV
**knock ***knock ***knock
"Kuya?"
**knock ***knock ***knock
"Kuya!!"
**knock ***knock ***knock
"Kuya!!!"
nagising ako na kinakatok ng kapatid ko ang pinto
"ano???!!" sagot ko naman
"anong ano ka jan Kuya! bumangon ka na need ko pumasok ng maaga ngayon kase may gagawin pa ako sa school!!"
"hay ang kulit mo, oo na babangon na ako"
makabangon na nga si Aika talaga ginulo ang tulog ko..
maalala ko i-memeet ko nga pala si Cass ngayon kase sasabihin ko na sa kanya ng personal ang gusto ko
bumaba na kaagad ako para kumain ng breakfast
pagbaba ko
"Aika anong gagawin mo sa school ng ganito kaaga?" tanong ko sa kanya
"Kuya naiwan ko kase kahapon yung notes ko sa school kaya hindi ako nakapagreview"
"may quiz pa naman kami" dugtong pa nya
"Di dapat ikaw na lang ang pumasok ng maaga, nagpahatid ka nalang sa driver hindi yung ako ang inistorbo mo" ang sabi ko sa kanya
naiinis talaga ako kag ginigising ako ng maaga kase wala din naman ako ginagawa sa school kaya yung oras na itutunganga ko dun ay itinutulog ko na lang
"Kuya Trigger naman nakalimot ka na ba na friday ngayon at color coding po yung car na ginagamit ko, si Daddy naman dala yung isa maaga umalis my emergency meeting daw sarado pa yung school ng ganung oras" pagdedefend nya sa sarili
"oo na nga sige na, maliligo lang ako at magbibihis, next time kase siguraduhin mo mga iuuwi mong lahat mga gamit ng hindi mo na ako ginugulo sa umaga" pagsasabi ko sa kanya habang papasok ako sa room ko para maligo
nang matapos na ako maligo 6:00am pa lang
grabe sobra talaga ang kapatid ko
kung di lang talaga kita kapatid!!
nagbihis na ako ng uniform at inayos ko na ang gamit mo sa school
paglabas ko ng kwarto ko nakatayo na si Aika sa may hagdan
"ano Kuya tara na?" nakasmile nyang sinabi
dumiretso na lang ako sa garage dala ang susi ng motor ko
sumunod naman si Aika
"teka lang kunin mo muna ung isang helmet" pag-uutos ko sa kanya
patakbo naman nya kinuha yun at umangkas na sa likuran ko
15mins ng pagpapatakbo ng motor, nasa school na kami
ang dalang pa ng tao at ako ang nauna na magpark sa parking area
"thanks talaga Kuya i love you wag kana mainis sa cute mong kapatid" sabi nya sabay abot ng helmet sa akin at tumakbo papunta sa room nila
ano daw sabi nya? cute daw sya?
baka acute?
normal bang mambulabog ng tao ng sobrang aga??
pagpasok ko sa Hall may nakita akong babae na nakatayo sa tapat ng room
sa malayo pa lang alam ko na kung sino sya
sa bawat galaw at itsura nya alam kong si Cass un
masaya akong lumapit sa kanya at sumigaw

BINABASA MO ANG
Who Am I?? [O N G O I N G]
Ficção AdolescenteWhat will you do if biglang personality change ang nangyare sa buhay mo. That who you are now is not the person that you should be? Yung feeling na everything had fallen into place pero may biglang nagyare, that who you are is not the real you. Kaya...