TRIGGER’S POV
Today is the day nag-decide ako na mag-let go sa past ko for the sake of my present and future sa kasalukuyan nasa puntod ako ni Cassaundra, sa pagkawala nya sa loob ng isang taon halos araw-araw ito ang nasa paligid ko, lagi ko siyang dinadalaw kase alam ko na kailangan nya ako kase mag-isa lang sya dito at kailangan ko sya. Sa totoo lang sa loob ng isang taon hindi ko pa din matanggap ang pagkawala nya, biglaan nangyari ang lahat bata pa sya at matalino marami pa siyang magagawa kaya nakakapang-hinayang talaga. Kung hindi nagyari yun magkasama pa din kami ngayon, masaya at naglalambingan pero, hindi na mangyayari yun
“Cass sobrang unti ng panahon na nagkasama tayo pero masaya ako kase nasabi ko naman sayo na mahal kita kahit na konti, napakita ko naman sa’yo na mahalaga ka sa’kin yung walang halong pang-aasar, sana masaya ka na ngayon kung nasaan ka man. Sana din maintindihan mo ang mga nangyayari ngayon kung nandito ka lang di sana napupuri mo sana ako ngayon, kaibigan ko na din ang mga kaibigan mo, close na kami ngayon di tulad noon, okay naman pala sila eh si Lib, Kim at Shane aalagaan ko sila para sa’yo. Nag-aaral na nga din ako ng mabuti eh yun nga lang sorry kung di na kita madalas napupuntahan dito pero lagi naman kita inaalala eh at sa ngayon papalayain na kita 4 years na Cass sana masaya ka na kung nasaan ka man ngayon paalam”
Habang naglalakad ako palayo sa puntod ng babaeng una kong minahal napapa-ngiti ako kase naaalala ko yung mga nagiging mukha nya na bumabase sa nararamdaman nya, ang dali nya mabasa at napakatotoo nya sa sarili nya. Tumingin ako sa lagit sobrang liwanag ng araw, alam ko na nakangiti ngayon sya, Sumakay ako sa motor ko at umalis, kailangan ko ng maghanda ng speech sa graduation namin next week sana proud ka sa’kin Cass sa pagiging Valedictorian ko.
[Graduation Day]
Principal: and now let us welcome on stage our “School Valedictorian” Mr. Tristan Gerard Montero
Pag- akyat ko sa stage tumahimik ang lahat, tumingin ako sa paligid ko at nakita ko na naka-ngiti sa akin ang mga kaibigan ko sina Shane at Kim pati na rin sina Marion at Jin, si Lib naman nagsalita pa ng “kaya mo yan”, masaya ako at nandiyan sila para sa akin
“Magandang araw sa lahat ng taong nandito ngayon, sa mga magulang sa punong-guro sa lahat ng may mataas na katungkulan sa panungkulan ng edukasyon at sa kapwa ko magtatapos sa sekondaryang baiting. Sa nakalipas na anim na taon ng pananatili sa paaralang ito marami tayong naranasan maaaring tayo’y nakaramdam ng galit sa mga taong nangungutya sa mga kakayanan na mayroon tayo, maaari din tayong natakot sa tuwing magkakaroon ng pagsusulit” naririnig kong tumawa ang iba sa sinabi ko
“Mayroon din tayong mga karanasan na nakapagpaiyak dahil may mga nawala sa atin maaaring ito ay bagay o kaya para sa akin ay tao pero ito ang pagkakatandaan natin kung may mga nawala mayroon din namang dadating hindi nito papalitan ang mga nawala sa atin pero makakadagdag ito sa mga saya na mayroon tayo kaya ito ay dumating sa atin. Hindi natin kakalimutan ang nakaraan pero kailangan natin itong palayain upang hindi natin maalala ang mga lungkot ng nakaraan. Pakatatandaan na nadiyan ang mga magulang, kaibigan at mga taon nagmamahal sa atin na ayaw tayong maging malungkot. Matuto tayong maging matatag dahil marami pa tayong pagsusulit na pagdadaanan sa nalalapit na panahon ng kolehiyo, matuto tayong magpatawad sa mga tayong maaaring nakapanakit sa atin at matututo tayong umunawa na ang lahat ng bagay ay may dahilan kaya nangyayari ito sa atin. Binabati ko ang lahat ng magtatapos sa taong ito nagawa nating lampas an ang pangalawang stage ng laro ng edukasyon”
Pagkatapos kong magsalita lahat sila ay nagpalakpakan ang lahat ng tao.
Natapos na din ang highschool life naming hay sa wakas may freedom na kaming lahat

BINABASA MO ANG
Who Am I?? [O N G O I N G]
Fiksi RemajaWhat will you do if biglang personality change ang nangyare sa buhay mo. That who you are now is not the person that you should be? Yung feeling na everything had fallen into place pero may biglang nagyare, that who you are is not the real you. Kaya...