Unang Araw

9 0 0
                                    

Sa totoo lang hindi ko na alam ang isusulat ko sa talaarawan ko sa ngayon, ang alam ko lang ay bumibili ako ng talaarawan tuwing magtatapos ang taon para sa  susunod na tao ay mauumpisahan ko nang isalaysay ang aking nararamdaman at ang aking mga taong nakakasalamuha.








Syempre ako'y mag papakilala muna sa aking talaarawan dahil ito ang unang pahina ng aking talaarawan.







Ako nga pala si Maria Herminia Consolacion, dalawamput tatlong taong gulang, taga San Ta Felicidad, ang aking mga magulang ay si Julio Consolacion at Hermina Montemayor Consolacion, ang aking ama ay isang heneral at ang aking ina ay nasa bahay lamang kung minsan sumasama si ina kay ama sa kabilang bayan dahil doon nakadestino ang aking ama. Kilala ang aming pamilya dito sa bayan ng San Ta Felicidad kung kaya't dapat lamang ako mag ingat sa aking ginagawa, nga pala malaki din ang impluwensya ng aking ama at ang aming pamilya wala akong kapatid nag iisa lamang ako hindi naman malungkot dahil napupunan naman ng aking pamilya at ang aking kaibigan kung kaya't hindi ako nalulungkot. Siguro tama na ang aking pagsusulat bukas ko na lang ulit itutuloy.

Nagmamahal,
          Herminia

Ang Talaarawan ni Consolascion (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon