Dani
"Kulang ang salitang kagwapuhan sa lalaking iyan grabe! Sino nga ba yan Dani at napakaperpekto naman niya?! Oh my freaking G.. don't tell me... boyfriend mo siya, Dani?!" Nanlalaking mga matang saad ni Marj habang nakatingin sa akin. Napakamot na lamang ako ng sarili kong ulo at napailing-iling na lang dahil sa sinabi ng kaibigan ko.
Kahit kailan talaga itong Marjori na ito! Masyadong chismosa! Nakakaloka!
Tinignan ko ito mata sa mata at sinabing,
"Ano bang pinagsasabi mo d'yan, Marjori?! FYI ha! hindi ko boyfriend 'yan!"
Hays. Ewan ko ba talaga dito sa babaeng 'to kahit kailan?! Bakit ko nga ba naging kaibigan 'to?!
"Hindi mo boyfriend?! Ay maganda 'yan! Kung gano'n eh di akin na lang siya! Pero girl teka lang.. bakit nandito siya sa birthday mo? Did you invite him?" sunud-sunod nitong tanong sa akin ni Marjori at dahil medyo naiinis na ako ng kaunting-kaunti lang naman dahil sa kakatanong niya ay wala akong nagawa kundi sabihin ang totoo.
"He's actually my older brother, Mark Daimonn Walton." Pagpapakilala ko sa nakatatanda kong kapatid at napatingin ako sa kanya. Nakita kong abala itong nakikipag-usap sa iilang anak ng mga ka-business partners ni daddy.
Nang mapalingon ako sa mga kaibigan ko ay muntik na akong matawa ng makita ko ang ekspresyon nila ngayon na gulat na gulat at hindi makapaniwalang may kapatid ako na kung saan maihahalintulad sa isang bathala.
"Mga laway niyo tumutulo!" pang-asar ko sa mga ito dahilan para magsiunahan silang magpunas ng kanilang bibig ngunit ng malaman nilang ginu-
good time ko lang sila ay sinamaan nila ako ng tingin.HAHAHA! Napaka-priceless ng mga hitsura nilang apat!
"Nakakaloka ka naman, Daniel Luiss! Bakit ngayon mo lang sinabi na may kuya ka palang... YUMMY!" wika ni Marj sa akin at kinagat pa ang pang-ibabang labi nito.
"Oo nga! Alam mo Dani ngayon ko lang nalaman na ang sellfish-sellfish mo!" saad naman nitong katapat kong si Mhessy habang naka-pout pa ito.
"True!" sabay namang bigkas ng kambal na para silang choir sa simbahan.
Magpapaliwanag na sana ako sa kanila ng tawagin bigla ang pangalan ko ng event host para raw sa aking closing remarks.
Ngumiti ako ng kay tamis-tamis bago humarap sa lahat ng panauhin.
"Magandang gabi po sa ating lahat! Maraming salamat po sa lahat ng dumalo ngayong gabi para sa aking pinakaimportanteng araw. Salamat po sa mga kaibigan ng aking pamilya, business partners, mga kaklase't kaibigan ko at syempre nagpapasalamat ako ng lubusan sa aking pamilya lalo na sa aking mga magulang. Mahal na mahal ko po kayo mommy and daddy, at maraming maraming marami pong salamat sa lahat." Matapos kong sabihin ang aking closing spiel ay naramdaman ko na lamang na may pumatak na palang luha sa aking pisngi. Naiiyak na pala ako. Naiiyak ako dahil sa sayang nararamdaman ko ngayong gabi.
"Family Picture po!" tawag sa amin ng photographer dahilan para tumayo kaming tatlo nina mommy and daddy at nagtungo sa pinakagitna ng event stage.
"Family picture? bakit para yatang hindi ako kasama?"
Nanindig ang balahibo ko ng marinig ko ang pamilyar na boses ng nagsalita.
Tama nga ako. Nasa harapan namin ngayon si kuya Daimonn habang nakangisi itong nakatingin sa akin.
"Daimonn anak!" masayang wika ni mommy ng makita si kuya at walang anu-ano'y nilapitan ito at saka hinagkan.
BINABASA MO ANG
Secretly Obsessed [BxB] ✔
Художественная прозаSimula pagkabata ni Dani hanggang sa kasalukuyan ay hindi mawala-wala ang kabang nararamdaman niya kada maglalapit silang dalawa ng kanyang kuya na si Daimonn. Maayos na sana ang kanyang pamumuhay ngunit nang magbalik ang kanyang kuya sa pilipinas a...